The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.Chapter 24 : Change
Three years later...
"Tita! Bakit ka iyak?" tanong ni Drianna sa akin. Hinaplos ng tatlong taong gulang na bata ang namamasa kong mga pisngi.
"Wala ito, Baby Dree." Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang aking mga braso. "Napuwing lang si Tita." Nasa isang business trip ang ama nitong si Andrei kaya nasa poder namin ang bata.
"Ninong! Iyak si Tita Taba!" sumbong ni Dree kay Kuya Stefan in her cute way. Kagagaling lang ni Kuya Stefan sa garage. Nilagay niya sa loob ng kotse ang mga gamit ni Dree dahil ihahatid na namin siya pauwi.
"Iyak si Tita Taba?" echo ni Kuya Stefan sa sinabi ni Dree.
Oo, Tita Taba ang tawag sa akin ni Dree, courtesy sa bully kong kuya. Kung ang ibang deppressed pumapayat, ibahin niyo ako. Sa loob ng mga taong broken hearted ako, pagkain ang naging karamay ko. Hayan tuloy lagpas limang kilo ang dumagdag sa timbang ko.
Kinarga ni Kuya Stefan ang bata. Binalot ng pag-aalala ang mukha niya nang makita niya ang itsura ko."Punta tayo ng Mang Inasal. Diba favorite mo ang pansit nila? Librehin natin si Tita Taba. Gutom lang iyan."
"Yey!" tili ng cute na bata.
Walang hiya ka Kuya Stefan!
"Sabay ka na sa amin. Come on," inalay niya ang kamay niya sa akin at hinayaan ko siyang alalayan akong tumayo.
Nilagay niya si Dree sa back seat ng kotse. Ako naman ang katabi niya sa front seat."Bakit ka umiyak, Baby Girl?" tanong ni Kuya sa akin gamit ang endearment niya sa akin. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit ni Dree sa back seat.
"Paano naman kasi... Binubully ako ng mga drivers dahil sa timbang ko."
"Magpapayat ka na kasi," tugon ni Kuya. "By the way, paano ka nila binubully?" Nilagyan niya ng maliit na unan ang likuran ni Dree.
Humugot ako ng hininga at nagsimulang maglitanya. "Papalapit pa lang ako nagkakantsawan na sila ng heavy-gat ang pasahero. Tapos kapag nakasakay na ako, tinitingnan nila ang mga gulong kung sumabog na ba. Sinabi pa ng isa na mamatay kami ng kasama ko kasi mahuhulog raw ang katabi ko dahil sa sobrang sikip. May iba pag ako ang sisisihin kung bakit kumakalog ang mga turnilyo ng side car nila. Tapos may isa pa nambastos sa akin! Sabi niya, "Pare ang soft naman niyan. Dapat diyan ginagamit ng hard!"
My brother smirked. Kinuha niya ang head set at nilagay sa tenga ng bata. Pagkatapos na ma-i-on ang tablet na may Barbie movie ay nagpakawala si Kuya Stefan ng litanya ng mga bad words na pati ang mga demonyo ay magtatakip ng tenga. Nabigla ako sa naging reaction niya.
"Nakuha mo ba ang plate number?!" sigaw nito.
"Kuya Stefan! Tone down! May bata sa harapan mo!"
"Hindi niya narinig iyon. May headset siya," katwiran ni Kuya. Mukha ngang hindi narinig ng bata dahil sinasabayan niya si Barbie sa pagkanta.
"Hindi ko nakuha." Masyado akong na-hurt kaya nag-malfunction ang brain ko.
"Puwes ituro mo sa akin ang mga drivers na iyan nang mapatanggalan ko ng lisensya!"
"For what reason? For calling me funny names? Dahil tinukso nila ako? Come on, that's childish!" tugon ko sa kanya.
"Then why are you crying?" tanong niya sa akin.
"Well... Look how messed up I had become!"
"Mataba ka, ngayon? Magpapatalo ka sa mga drivers na iyon?"
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...