This is dedicated to Liz @berryblurred !!!!
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
Flash Back # 4: My princess..
Cedric' POV
Abalang-abala ako sa pagdudugtong ng mga buto ng palaka ni Stefan. Frog's skeletal system kasi ang project namin sa Biology class. Tapos na akong gawin ang sa akin pero heto ako ngayon pinagpapawisan sa paggawa ng project ng bestfriend ko. Hating gabi tumawag siya sa bahay namin kasi hindi raw siya marunong pagdugtung-dugtungin ang palakang nilaga niya.
"Cedie bro, bagay ba?" tanong ni Stefan sa akin sabay pose. Nagfifit siya ng bagong baseball uniform. Kananalo lang ng team namin sa Regionals kaya sadyang pinagawa ang bagong uniform na iyon para sa Palarong Pambansa.
"Okay na sana bro, kumindat ka pa kasi.Nasira pa. Para kang bading," tukso ko sa kanya. Gwapo si bestfriend kaya kahit na anong damit, kahit pa basahan iyan, kayang-kaya niyang dalhin. Pero dahil napakahangin niya, dapat lang na paliitin ko ang ulo niya.
Napaatras siya. "Anong bading?!Alam mo bang ang kindat na to ang secret weapon ko sa paghatak ng mga babae? Baka ikaw ang bading. Ngayong second year na tayo nakaapat na akong girlfriends tapos ikaw bokya pa rin. Baka nababading ka na sa akin ha?! "
I rolled my eyes.
"Silence means yes! Isa kang Darna!" nandidiring sigaw ni Stefan.
Tinigil ko ang pagsusulat. "Isa pang teoryang puno na pagdududa sa kasarian ko at ititigil ko na talaga ang paggawa ng biology project mo!"
Tumawa si Stefan. "May sinabi ba akong bading ka? Sinong nagsabing bading ka? Dudurugin ko ng baseball bat ang pagmumukha niyan!" sabi niya sabay hawak sa baseball bat niya. "Sabi ko mas gwapo at mas makisig ka pa sa akin. Wala akong binatbat sa kamachohan mo, bestfriend," sabi ni Stefan sabay akbay sa akin.
"Ayan bumait na kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan." Palibhasa tamad gumawa ng science project.
"Malapit mo na bang matapos iyan bestfriend?" tanong ni Stefan sa akin habang naglalagay ng film sa camera.
"Oo, bones na lang sa legs ang kulang. Eh ang ang portrait ko tapos na ba?" Well, si Stefan naman ang tagagawa ng project ko sa art appreciation subject namin. Quits-quits lang.
"Konteng finishing touches na lang. Don't worry matatapos ko iyon before 1:00 PM." Tiningnan ko ang wall clock. 9:00 AM pa lang naman. Kahit Saturday pinababalik kami sa school kapag may reviews para sa NDEA exams. Obsessed kasi ang aming school sa ranking nila.
"Bilisan mo bestfriend para mapicturan mo ako sa bagong uniform ko." Nag-puppy eyes si Stefan sa akin. Bentang-benta talaga sa akin ang puppy eyes na iyan kaya hindi ako makatanggi. Kinunan ko siya ng halos sampung litrato. Lahat iba-iba ang pose. Vain masyado, parang bading. Ito yata ang bading eh.
Binalikan ko ang ginagawa ko. Maingat kong nilagay sa isang glass box ang frog skeletal model. "Sabi ni Manang nagkagulo raw kayo dito kahapon. Paano mo ba pinatay ang palaka ha?" tanong ko kay Stefan.
"Ah yun ba? Umiyak kasi si Portia ng diniretso ko sa kumukulong kaldero ang buhay na palaka. Gusto noya kasing gawing pet eh. Gumawa pa nga ng 'frog collar' para sa palakang si Virgie," tugo nito habang inaayos ang sumbrero niya.
Napatitig ako sa bestfriend kong alien. Palaka. Buhay. Diretso sa kaldero. Paano ba kita naging bestfriend?
Nag-inat ako. Nangalay ang mga balikat at likuran ko ko sa kaka-assemble ng palaka ni Stefan.
"Kuya Dee-Dee!" Napalingon ako kay Portiabebe. She running towards me with her bouncing curls. She outstretched her arms towards me. May dala-dala siyang ribbons. "Payakap! Payakap Kuya Dee-Dee!"
"Wait lang Baby ha, hugas lang ng kamay si Kuya Cedie. Amoy-paste kasi ang kamay ni Kuya eh." Kinarga ni Stefan si Portia.
I kissed her forehead. "Wait for me, Baby."Pumunta ako sa sink ng CR. Naririnig ko pa rin ang boses ng dalawa.
"Bakit amoy paste?" tanong ni Portia.
"Kasi may dinikit siya," na sagot ni Stefan.
Kinuha ko ang spare tshirt ko sa cabinet ni Stefan. Marami na akong gamit dito sa kwarto ni Stefan: toothbrush, tshirt, pants, slippers, pati briefs. Pwede na nga akong tumira sa Clemente residence.
"Ano dinikit niya?" tanong ulit ni Baby.
"Buto ng frog."
"Frog? Si Virgie?" nabasag ang boses ni Baby.
"Ah...eh... Hindi naman iyan si Virgie, diba...diba Cedie?" bakas ang alarma sa boses ni Stefan.
"Kasinlaki niya si Virgie eh!" sigaw ni Portia."Ibalik mo si Virgie! Ibalik mo si Virgie!"
Paglabas ko ng CR namumula na ang mukha ni Baby Doll. She's on the verge of a tantrum. I swooped my little princess and kissed her chubby cheeks. Biglang nakalimutan ni Baby Doll si Virgie. Humalakhak na naman siya na parang kinikiliti. Kinuha ko ang ribbon sa kamay niya.
"What's this Baby Doll?" tanong ko sa kanya.
'Doon tayo sa palace," yaya niya. Palace meaning kwarto niya. Little paradise niya kasi iyon. Buhat-buhat ang munting prinsesa, tinahak namin ang daan papunta sa kanyang munting palasyo. Pinaupo niya ako malapit sa doll house niya.
Nagpupumiglas siya kaya binaba ko sa sa play mat. Tumakbo siya papunta sa kama niya at kinuha ang isang bouquet ng santan. "Gagawa tayo ng pulseras at korona, Baby Doll? " Umiling siya in her cute little way.
Pilit niyang inaabot ang leeg ko. Umuyuko ako dahil akala ko magpapakarga siya ulit. Sa halip, nilagay niya ang ribbon sa leeg ko at tinali iyon tulad ng tinuro kong knot sa kanya. Hinawakan ko ang ribbon. 'Ano na naman kaya ang pakwela ni Baby Doll?'
Dumistansya siya sa akin ng kaunti. Ngumiti siya sa akin hawak-hawak ang isang pungpong ng santan.
"I do," she said.
Naguluhan ako. "Ano raw?' Yumuko ako sa kanya.
"Sabi ka, 'I do" rin!!!" malakas na sigaw ni Baby Doll.
"I...I do?" kunot noo kong tugon sa kanya.
Binigyan niya ako napakatamis na ngiti, showcasing her cute dimples. nabigla ako sa sunod niyang ginawa. She kissed me. It was a small peck on the lips. Kahit ganoon lang, kiss pa rin iyon.
My first kiss.
Napatitig na lang ako sa batang babaeng umiikot-ikot na parang fairy. Alam kong hindi ko dapat nararamdaman ang nararamdaman ko.
I'm lost. I'm hopeless.
Her kiss confirms it all. I'm in love with my Baby Doll.
------------------################-------------------Sorry Liz, na late masyado ang pinangako kong dedication.. >.<
hit the star button if you liked this chapter!
love lots,
Cambrielle
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...