Chapter 1 : Shattered

10.7K 238 144
                                    

Author's Note:

Mga sinisinta kong mambabasa,

Nais ko lang pong ipaalam na hindi pa po edited ang kwentong ito. Hindi ko pa po nababalikan ang mga pahina  upang busisiin ang mga pagkakamali sa balarila at pagbabaybay. Ito po ay isang babala lamang.

Nagmamahal,

Cambrielle

P.S.

Difficult talaga ang dire-diretsong tagalog.hahahah.. Grammar and spelling warriors you are warned na ha..heheheheh

Enjoy reading. :D

Note: Second book na po ito. Isang one shot story ang unang story sa series na ito.

Here po ang link ng unang story/One shot:

https://www.wattpad.com/story/19033530-my-twisted-fairytale-a-medical-laboratory

The photos and videos posted here are not mine. The credits belong to the rightful owners.

---------------#########-----------------

Chapter 1: Shattered

Portia's POV

"Pagkatapos ng edad, sports na naman ang problema?! Hindi niyo alam kung paano ako magalit! Baka gusto niyong pasabugin ko ang hospital niyo! Mabuti pang tumambay na lang ako nito!"

Paulit-ulit na sentimyento ko. Nakaupo ako sa swivel chair ni Kuya Stefan habang naksubsob ang aking mukha sa kanyang mesa. Kahit na super comfy ang pinakamamahal niyang upuan hindi pa rin iyon nababawasan ang aking sama ng loob. Tatlong linggo na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon wala pa rin akong makita.

Sabi ng school namin in demand daw ang medtech. Sinungaling sila! Trabaho saan ka nagpunta?

"Inday Portia, pakibagalan nga. Hindi kita maintindihan, para kang alien, " sagot ni Cleo sa kabilang linya.

"Sabi ko, atleta ang kailangan ng ospital na pinag-apply-an ko kanina! Hindi medtech!"

Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng human resource manager doon. Sinabihan ba naman akong:

"Ano ang talent mo Miss?" Chaka hindi man lang ako tinitigan.

"I'm a writer po. Nanalo na po ako sa writing competitions sa divisions and regionals."

"Miss, hindi namin kailangan ng literary talent mo. Hindi namin iyan mapapakinabangan dito. Marunong kang sumayaw?" Tumango ako. " Naku, siguraduhin mo iyan ha? Siguraduhin mo. Kailangan namin ng mga atleta at iyong pang-beauty pageant. Sa itsura mong iyan, kaya mo bang sumali sa pagandahan? Sa tingin mo kaya mo?"

Well duh, tinatanong pa ba dapat iyon? Sa kakarampot kong height makakasali kaya ako sa beauty pageant? Kahit may brain ako, mataba pa rin. Heller, siyempre hindi!

Tinignan ko ang test paper ko. Ganitong question ang inaasahan ko:

1. A bleeding patient with a coagulation deficiency needs

a. 225 mL of fresh frozen plasma at +18°C

b. 15 mL of cryoprecipitate at +18°C

c. 300 mL of platelet pheresis at +20°C

d. 520 mL of whole blood at +4°C

O hindi naman kaya:

1. A 30-year-old man presents with prolonged bleeding after a dental extraction. Mild hemophilia A is suspected based on a baseline factor VIII (FVIII) level of 9 IU/dL. Further testing reveals the following: genotyping is negative for a F8 mutation; a desmopressin (DDAVP) trial shows a brisk but short-lived FVIII response; von Willebrand factor antigen (VWF:Ag) level is 0.55 IU/dL and VWF ristocetin cofactor (VWF:RCo) is 0.50 IU/dL.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon