This chapter is dedicated to PortalMentis!!!!
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
Chapter 18 : Tears
Portia's POV
Cedie kissed me for real, bulong ko sa aking sarili, habang hinahawakan ang aking mga labi. Tatlong araw na ang nakakaraan pero damang-dama ko pa rin ang mga labi ni Cedie.
Kiss pa lang iyon pero halos marating ko na ang langit. Mahal na niya kaya ako? I mean iyong true love, totoong pagmamahal, tunay na pag-ibig?
Can this be love? sigaw ng aking puso.
'Ambisyosang baboy,' sabad ng aking isipan. 'As a sister lang iyon,loka-loka.'
Atribida talaga ang utak ko oh. Tatlong araw nang hindi nagpapakita sa akin si Cedie. Pasimple kong dinadaanan ang bahay niya pero mukhang walang tao. Minsan kong hinihiram (ninakaw sandali) ang cellphone ni Kuya Stefan para i-missed call si Cedie, nagriring naman. Impossibleng maubusan ng load ang lalakeng iyon!
Eh bakit hindi niya ako tinatawagan?!Lechugas! Hahalik-halikan ako tapos sisibad na agad! Na-kiss-and-run ako!
"Portia!" Napalingon ako sa sumigaw. Tinuturo ni Benj ang kamay ko. "Nag-overflow na ang urine sa test tube mo!"
Napatingin ako sa hinahawakan ko. " O my God! Sorry! Sorry!" Dali-dali kong pinunasan ang na-spill na ihi sa sink-counter. Tinulungan ako ni Benj sa pagma-mop ng floor.
"Sorry ulit,"mahinang usal ko.
"Nah, okay lang iyan," tugon ni Benj habang binubuhasan ng disinfectant ang counter at sahig. "Ano ba ang bumabagabag sayo, Porsche? Si Doc iyan no?"
"Ha? Hindi si Cedie ha!" sagot ko.
"Wala naman akong sinabing si Doc Cedie ah. I was referring to my Doc Mattias," painosenteng depensa ni Benj. "Well then, si Doc Pogi nga talaga ang gumugulo sa isipan mo. Lovers quarrel?"
How I wish lovers quarrel nga. "Hindi naman kami lovers," nakangusong sabat ko. Inirapan ko siya. "Bakit ganyan kayong mga lalake? Kapag nakapuntos na biglang mawawala?"
"Sinuko mo na ang Bataan?!"bulalas ni Benj.
"Hindi no!" Umupo ako sa silya at pinatong ang ulo sa taas ng mga logbooks. "Hinalikan lang niya ako."
Napatitig sa akin si Benj ng ilang minuto. Ilang sandali pa ay napa-iling ito. "What a handsome, sinful bastard," sabi nito habang tumatawa."Was his kiss like a portal to heaven? Maybe you saw a few angels while receiving mouth-to-mouth," Benj said dryly.
My cheeks heated with understanding. "It was just a stupid kiss, okay?!"
"Woah, woah. Chill ka lang, Porsche," sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. "Tinamaan ka na talaga kay Doc Pogi no?"
Tinamaan? Matagal na. In fact, tinamaan ako big time! Nasaktan din ako big time! As in super big! Tulad ni Cedie Monster.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng aking pisngi. Walang hiyang, makasalanan , maharot na haliparot na utak to oh!
Pinanggigilan ni Benj ang pisngi ko. "You had it bad, Porsche. Dapat imbitado ako sa kasal niyo ha."
Mariin akong napapikit hindi lang sa tindi ng pagpiga ni Benj sa mga pisngi ko kundi pati na rin sa sobrang pagkainis. Nasaan na ngayon ang press release kong 'di pakakasalan si Cedie?
Napatigil sa pagpisil si Benj nang marinig namin ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Sumilip sa loob ng working area ang receptionist naming si Sherry. "Benj, Porsche, may gustong kumausap sa inyo sa reception."
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...