The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.Chapter 22 : Desperation
"Portia, are you listening?" tanong sa akin ni Wendell.
"Sorry. My brain was elsewhere," I muttered.
Pinatong ni Wendell ang kanyang kutsara sa platito niya. "Alam ko kung saan napunta ang utak mo."
Tinaasan ko siya ng kilay. May GPS ba ang mga thoughts ko at alam niya ang tinungo nito? "Sige nga, saan napunta ang battered brain ko?"
"In Cedric Sebastian's pants."
Napatayo ako sa pagkagulat. Naglingunan ang mga tao. "Wendell!"
"Fine, fine. I shouldn't have put it that way," he said, not the lightly ashamed. "Pero totoo diba?"
"Of course not!" Umupo ako ulit at sumubo ulit ng ice cream para humupa ang init sa aking mga pisngi. Okay fine. I'm thinking about him. Pero hindi ang loob ng pantalon niya. Hindi ko kaya iniisip si Cedie Monster! Lalong nag-init ang mga pisngi ko.
Nasa loob kami ngayon ng isang ice cream palor. Ang ice cream parlor na laging pinupuntahan namin ni Cedie. Nakaupo rin kami sa paborito naming mesa. Kahit saan ako tumingin, siya lang ang nakikita ko. May bagong flavor silang binebenta. Bitter gourd flavor. Ampalaya in layman's term. How fitting sa sitwasyon ko ngayon.
"You can fool yourself, baby, but you can't fool me. Sa kabila ng lahat ng mga nangyayari sa pagitan ninyo ngayon, siya pa rin ang tinitibok ng puso mo," sabi ni Wendell. May lungkot sa mga mata nito.
Oo, binasted ko na si Wendell. Hindi ko na siya pinaasa kaya kinausap ko siya ilang araw na ang nakakaraan. We agreed to stay friends. Iyon lang naman ang ma-o-offer ko sa kanya. Simula ng makita kong nakikipaghalikan si Cedie sa iba, naramdaman ko ang sakit na dulot ng pag-asa. Ayokong maramdaman iyon ng iba.
Napatitig ako sa kanya. "I'm sorry Wendell. Nakaprogram na yata ang puso kong mahalin ng malandi, maharot, at taksil na lalakeng iyon."
"Unang kita ko pa lang sa inyo alam ko ng wala na akong panama sa lalakeng iyon. Obvious naman na head over heels in love ka sa kanya."
"Hindi mo naman natuturuan ang puso. Kung nakikinig lang sana ang puso sa utak edi wala sanang pusong sawi ngayon. Alam naman ng puso na masasaktan siya pero sige pa rin ng sige. Hayan tuloy, nagkapira-piraso siya." Actually hindi lang nagkapira-piraso. Nagkadurog-durog na talaga.
Tumulo na naman ang mga luha ko. Lampas isang linggo na akong umiiyak. Akala ko natuyo na ang balon ng aking mga luha.
"Hey! Huwag kang umiyak dito. Baka sabihin nilang pinaiyak kita." Pinupunasan niya ng tissue ang mga luha ko.
"I hate that I still love him." Nakita ko siya sa libing ni Ate Lacie pero hindi ko siya kayang kausapin. Masakit pa rin. Ilang beses ko siyang nakita kasama ang ibang babae noon pero kaunting kirot lang ang naramdaman ko. Ngayong nag-commit siya sa akin at nakita ko siya kasama ng iba? Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hinaplos ko ang kumikirot kong puso.
"Sa tingin ko, mahal ka rin niya." Tinaasan ko siya ng kilay. "I have eyes, Portia. He loves you."
May kung anong kirot na naman akong naramdaman. Pinahid ko ang aking mga luha. "Gusto ko mang maniwala pero hindi naman totoo yan. He's not capable of love. Isa akong conquest sa kanya."
"It doesn't look like a conquest to me."
"Ang ulit mo naman eh. Huwag mo na akong paasahin. He will never be faithful to me. Loyal siguro, oo pero faithful, hindi. Ayokong mabuhay na luhaan sa piling ng lalakeg hindi magiging tapat sa akin." Sapat naman sigurong pruweba ang nasaksihan ko diba?
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...