Chapter 26 : Heartache

2.9K 56 6
                                    

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 26 : Heartache

Lulugo-lugo ako nang magising dahil sa kirot sa aking ulo. Bahagya akong napapikit nang ako'y bumangon habang nasa sintido ko naman ang aking nga kamay. Tiningnan ko ang aking relong pambisig. Alas tres na ng hapon?

"Awwww... Headache from hell!" sigaw ko habang iniipit ang ulo ko sa pagitan ng aking mga hita.

"Dapat maging leksiyon iyan sayo para hindi ka na ulit uminom."

Napalingon ako sa may-ari ng boses. "Kuya Stefan!"

He was standing at my door. Door! My door! Pamilyar ang lahat ng bagay sa loob ng silid. I'm confused. Nasa bahay na ako pero kina Cedie ako umuwi kagabi.

"You're at home now. Sinundo kita sa bahay ni Cedie kaninang madaling araw. Tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising pa." Inilapag niya ang dalang tray sa mesita. "Magpahinga ka muna. Dinalhan na kita ng soup. Huwag kang mag-alala dahil si Manang Betty ang nagluto niyan kaya hindi ka malalason. Pagkatapos mong kumain inumin mo ang analgesic na pabaon ni Cedie."

Dahan-dahan nang nagsink in sa akin lahat.  Lahat ng nangyari kagabi. I lay stunned on my bed, trying to process everything that occurred last night. All I know is Cedie was sickened by sex with me, and that I would never repeat that again.

The pain...

The humiliation....

Lalo pa yatang sumakit ang ulo ko sa direksiyon ng utak ko. Idagdag pa ang pagwawala ng puso ko. Kahit kailan, hindi ako makakarecover pa sa nararamdaman ko. Yumuko ako para mabawasan ang pagkirot ng ulo ko.

"It hurts..." Yeah, it hurt like hell. And I was not talking about my head. "So this is what they call heartache. Bakit hindi man lang ako naabisuhan na masakit pala ang umibig?"

"I know... I know..." Bahagyang yumugyog ang aking balikat nang banayad na hinaplos ni Kuya Stefan ang ulo ko at pagdampi ng labi niya sa magulo kong buhok. "Ilabas mo lang ang nararamdaman mo. Allow yourself to freely feel. Feeling is a step towards healing, because you get to deal with the pain, not hide it. Kapag tinago mo ang nararamdaman mo, hindi ka makaalis sa kinatatayuan mo ngayon."

Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. I missed everything about Cedie. I can't believe that after all the things he did, I still want him. Kapag pinipiit ko ang aking mga mata ay mga mata naman ni Cedie ang nakikita ko.

Niyakap ako ni kuya. "Just rest for a while, Baby Girl Kahit huwag ka nang dumalo sa death anniversary ni Lacie bukas. Maiintindihan naman nina Andrei iyon." Pumikit ako ulit at hinintay ang pag-alis ni Kuya Stefan.

Sa loob ng tatlong taon, ilang tambak ng libro tungkol sa heartbreak na ba ang nalikom ko? Ilang magazine articles tungkol sa pagmo-move  on  na ba ang nabasa ko? Mahihirapan ako nang husto sa gagawig paglimot kay Cedie. Pero kailangan. Wala na akong maisip na gawin. Pero tama rin si Kuya Stefan. Ngayon alam ko na kung saan ako lulugar. Kailangan magpatuloy ang buhay ko.

I needed sleep. Kapag hindi ako nakatulog, siguradong babalik na naman ako sa pag-iisip sa mga bagay na dapat kong limutan. Or rather, tao pala.

Masakit na ang mga mata ko sa pinaghalong pag-iyak at pagpupuyat. Durog na durog pa rin ang puso ko. Kapag nagtagal pa ako sa bahay, mababaliw ako sa kakaisip ng kung anu-ano. I needed distraction.

"Baby Girl, okay ka lang?" tanong sa akin ni Kuya Stefan. "Ihahatid kita sa bahay kung gusto mo. Hindi mo naman kailangang dumalo pa."

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Stefan. "No, it's okay. Gusto kitang samahhan dito. Importante ang araw na ito sayo diba? I'm a big girl now. Kaya ko na to."

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon