Hello readers!
I have a surprise for you! A bonus chapter!
Yes! Bonus chapters po. From time to time magpopost po ako ng bonus chapter. Sayang naman po na ma-left untold ang childhood nina Cedie at Portia diba? diba? With these chapters mas makikilala niyo ang mga characters sa story na ito. I can't help it! Adorable kasi silang dalawa.
Hit the star button if you liked this chapter!
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
Flash Back #1: The Boy's Wish
Stefan's POV
February 14 1991 (8 years old sina Stefan at Cedie)
Nakapwesto na si Cedie sa Catcher's box, na sa likod na siya ng batter. Nakapwesto na ako sa pitcher's plate. Naman! Ako ang pinakagwapong pitcher sa balat ng lupa sabi ng nanay ko. Si Cedie naman ang pinakagwapong catcher. Super mega baseball duo raw kami. Magbestfriend ba naman kaming gwapo at athletic.
Kahit Valentine's Day, practice pa rin ang inaatupag namin. May interschool athletics meet kasi kami sa susunod na buwan. Kailangan ng mas matiyagang practice.
"We love you Stefan!" sigaw ng mga fan girls. Yeah, may fan girls kami.
Nagflying kiss ako at kunwaring sinalo nila.
"Kay babata pa, ang lalandi na!" sabi ng coach namin. "May dahilan kung bakit Coach's box ang lugar na to! Magsi-alisan nga kayo!" Pagtataboy ni Coach Tiger sa mga fan girls namin."Kapag tinamaan kayo kami pa ang mananagot."
Nag-alisan ang mga babae pwera na lang sa isa. Isang binabae.
"Anong ginagawa mo dito? Alis na!" Mukhang nauubusan na ng pasensya si Coach.
"Ay, okay lang naman ako dito, Sir. Hindi niyo naitatanong eh professional baseball player po ang uncle ko. Tinuruan niya akong magbaseball kaya kayang-kaya kong saluhin ang bola," pagyayabang ng batang bakla.
"Bahala ka sa buhay mo." Binaling niya ang atensyon niya sa amin. "Ano pang hinihintay mo Stefan? Pasko? Pitch na!"
"Go! Fafa Stefan!" tili ng bading.
Nagfa-frankenstein na si Coach. Hinga ng malalim. Move and pitch!
Mukhang napalakas yata ang pagpitch ko at ang tanga naman batter sinungkit! Masyadong mataas ang trajectory ng bola. Napatingala na lang kami habang sinusundan ang bola. Diretso iyon sa batang bakla!
"Ay!!! I got this Fafa Stefan!"
Okay na sana ang lahat kung nasalo niya ang bola. Dire-diretso ang bola sa noo niya. And guess what? Hinimatay siya. Trained nga ba ang batang iyon?
"Kuya Amanda!"sigaw ng isang batang babae. Nasa edad cuatro siguro. Iyak uto ng iyak. "Hwag patay Kuya Amanda. Hwag patay." putol-putol an usal nito.
Dali-daling dinala ng coach namin ang bata sa clinic. Dumugo kasi ang ilong. Tsk. Cancelled tuloy ang practice namin.
May nakabanggang babae si Cedie habang papunta siya sa kinaroroonan ko. "Sorry." Pinulit niya ang rosas na nahulog ng babae.
"Thank you." sabi ng na-starstruck na babae.
Nang makatalikod na si Bestfriend ay nagsitilian na ang mga babae.
"Binigyan niya ako ng roses! Binigyan ako ni Cedie Cutie ng roses!" tiki ng babae.
"Sinungaling! Sinadya mong ihulog iyon para pulutin niya! Ilusyonada!" sigaw ng isa.
"Inggit ka lang! Hindi ka kasi marunong dumiskarte!"
Haaaaay naku....
"Hey bro, pinag-aawayan ka na naman ng mga chicks mo oh." Kumunot ang noo nito. He looked so clueless! I really like teasing him.
"Ang sabi ko nag-aaway ang mga chicks mo." Nginuso ko pa.
"Ay! Nagflying kiss si Fafa Stefan! Ay!!!" tili ng kasama nitong babae.
Flying kiss daw.. Nguso lang iyon hello?
Cedie just shrugged.
Ano ba naman tong bestfriend ko? Walang crush. Walang inspirasyon. Bato siguro.
Hindi naman kaya...Kaya wala siyang crush at inspirasyon kasi ako ang crush at inspirasyon niya? Nababading na ba siya sa akin? No way! Babae ang gusto ko!
"Kung ano man iyang iniisip mo, malamang kathang isip lang iyan," sita nito. Sungit.
Nag-aayos kami ng gamit sa club room ng biglang bumuntong hininga si bestfriend.
"Stefan, buti pa ang binabaeng iyon may kapatid. May tumatawag sa kanya ng Kuya," malungkot na sabi ni Cedie.
Hay naku naman tong si Bestfriend oh! Emotero talaga! Pero sa totoo lang gusto naman talaga naming magkaroon ng kapatid na babae. "Oo nga. Sana may baby girl na tayo."
"Ayaw mo ng baby boy? Pwede kayong maglaro ng baseball paglaki niyon."
"Dapat babae kasi kapag lalake,karibal iyon, diba?!"
"Selfish," tumatawang tugon ni Cedie. Lately, hindi na ito masyadong tumatawa. Ayaw niyang pag-usapan ang problema niya. Ayoko kong nakikitang malungkot ang dating masigla kong kaibigan.
Babalik na sana ako para kunin ang mga gamit ko sa bench pero bigla akong kinaladkad ni Cedie.
"Bro, saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa chapel.
"Anong-" Magdadasal?
Sinindihan ni Cedie ang mga altar candles. Luluhod na sana ako sa isa sa mga bench pero nakita kong lumuhod si Cedie sa harap mismo ng estatwa ng Holy Family.
Pinagmasdan ko lang ang nakapikit na bestfriend ko. Anong problema nito? Base sa itsura niya, gustong-gusto niyang makamit ang bagay na hinihiling niya.
Ilang sandali pa ay nag-sign of the cross ulit ito.
"Ano ang hiniling mo?" agad kong tanong.
"I want to have a baby sister." nakangiting sabi nito.
--------------############------------------
First time ni Stefan magnarrate..
Oh hayan...hope you liked it.
Media: Young Cedie:)
cute2..
Please hit the star button if you liked this chapter.
Love lots,
Cambrielle
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...