This is dedicated to: deireen15
Ayan may dedication na..hahahah...
Hit the star button if you liked this chapter!
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
Chapter 6: Sharp Objects
Portia's POV
Ang sakit na ng likod ko. Wala na bang katapusan ang pilang to? Nakaubos na ako ng dalawang box ng syringe ah. Sobra dalawang daan na ang nakuhaan ko ng dugo. Ilang tao pa ba ang darating?
Idagdag pa ang mga pasyente na sobra magpacute. HR Manager ng company na kliyente namin. "Miss, natatakot ako."
Takot daw oh. "Parang kagat lang to ng langgam." Higanteng langgam. "Huwag mo na lang pong titigan kapag nag-e-extract na po ako kasi minsan sa utak lang ng mga tao ang takot. Fear, like limits, is often an illusion. Fear doesn't exist anywhere except in the mind."
"Nag-i-Ingles ka pala Miss?"
Anong klaseng tanong iyan? "Yes, Sir."
"Hindi kasi ako marunong, pwede turuan mo ako?" Ahhhh... Pickup line. Waley. Sobarang waley.
Tumawa lang ako. "Magpaturo ka sa kanya Sir oh," Tinuro ko ang babaeng nagpapaBlood pressure. "Sa kanya po, sa asawa niyo." Diniinan ko ang asawa.
"Hindi naman marunong iyan." Umirap pa!
May asawa na nabgpipickup line pa. Adrian lang ang peg? Salawahan? Ipupusta ko ang isang buwang meal allowance ko, Sigurado ako may kabit to.
Pinahiran ko na ng alcohol ang puncture site.
"Nakakatakot. Sa iyo na lang ako titingin Miss."
"Nakakahiya naman Sir. Hindi naman ako kagandahan eh."
"Bakit? Ang ganda mo kaya!" May pina-Adrian talaga!
Maganda pala ha?
Tinuruan kami sa school ng TLC sa mga pasyente. Tender, Love and Care. At dahil espesyal ang pasyente ko. Ang TLC : Tirahin Lang Chenez!
Step One: Sadyaing sa gilid ng ugat itusok ang syringe needle.
"Sir?Kinakabahan ka ba? Ang ugat mo kasi gumalaw. Ganyan talaga basta kinakabahan." Major, major lie! Galing kong gumawa ng kwento!
"Hindi naman ma..masyado." nauutal na sagot nito.
Step Two: Mag-cross stitch ng vein.
Namutla ang pasyente.
"Hayan may dugo na Sir. Masakit po ba?"patay malisya kong tanong.
"Hindi. Hindi! Kayang-kaya naman pala." Ay hindi pala masakit. Sinadya ko pa naman iyon. Sayang!
Last Step: Instead na mabilisan ang pagkuha ng inserted needle to prevent tooth-edge pain, dahan-dahanin mo. It is similar to scratching a chalk board feeling. Hmmmm.. Sweet....
"Ipitin mo na lang Sir para hindi sumakit. Kapag namaga po i-hot compress niyo na lang."
Voila! Mission accomplished!
Tandaan:
Don't mess with medtechs because we are paid to stab people with sharp objects.
"Magka-cut off muna kami. Balik na lang po kayo after one hour. Huwag niyo lang pong iwawala ang priority numbers ninyo ha," sabi ni Suzie. Siya ang nurse na tagakuha ng vital signs ng mga pasyente.
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...