The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.Chapter 27: Storm
My Baby Doll... My Baby Doll... Don't walk away from me, Baby Doll.
Pagtapak na pagtapak ko sa parking lot ay nakita kong nasa labas na ng gate ang kotse ni Stefan at si Baby Doll ang nagmamaneho.
Tumunog ang cellphone ko. "Andrei?"
"Nasaan ka Cedric? Nakita mo ba si Portia?" Pinulot ko sa putikan ang sobreng binigay ko sa kanya. Ni hindi man lang niya binasa ang laman niyon.
"Magkasama kami kanina. Umalis siya ngayon-ngayon lang." Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar iyon. "Sinusundan ko siya ngayon."
"Saan ka pupunta? Alam mo bang may paparating na bagyo?"
Bagyo? Baby Doll!
"I need to go. Bye." Click.
Lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Madulas na ang kalsada at ang ilang kalsadang nadaan ko ay lubog na sa baha. Nag-aalala ako dahil mababang kotse lang ang dala ni Portia. Kung papunta siya ng bahay, siguradong papasukin ang makina ng kotseng iyon.
Inihilamos ko ang aking kamay sa mukha ko. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Pagkatapos ng ilang tawag ay out of reach na ang iPhone niya. Pinatay niya iyon malamang. Tinawagan ko ang bahay ila pero walang sumasagot.
I shouldn't have pushed her away. I should've... I shouldn't have... Damn it! Pinaghahampas ko ang manibela sa sobrang pagkayamot at pag-aalala.
Portia,please, be safe.
May dalang malakas na hangin na rin ang ulan. Mas lumalala ang baha papasok ng bahay ng mga magulang nina Stefan. Pinark ko ang aking sasakyan sa medyo mataas na bahagi ng subdivision.
Bumaba ako, sinuot ang waterproof jacket, at nilusong ang baha papasok ng subdivision. Nasa Phase Two pa ang bahay nina Mama Gracia. Hanggang tuhod ko na ang tubig baha.
Nang marating ko ang bahay ay hindi na ako nag-doorbell. Hindi na ako nag-atubiling akyatin ang mataas na gate.
"Diyaskeng bata ito! Bumaba ka nga diyan, Cedric!" sigaw ni Mama Gracia mula sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay. "Sotero! Pagbuksan mo ng pintuan ang inaanak mo!Dali!"
Agad na bumukas ang pinto ng bahay. Niluwa iyon ang nag-aalalang mukha ni Papa Sotero. "Pumasok ka muna, Cedie. Kailan ka pa nakabalik ng Pinas? Gracia! Magbaba ka ng tuwalya! Basang-basa si Cedie!"
Pinapasok nila ako sa porch ng bahay. Pumasok ulit ng bahay si Papa Sotero para kumuha ng maiinom na tubig.
Binalabal ni Mama Gracia ang malalaking tuwalya sa mga balikat ko. "Hindi na po ako papasok. Nakauwi na po ba si Portia?"
"Si Baby Girl? Hindi niya ba nasabi sayo? Doon na siya nakatira sa bahay ni Stefan. Mas malapit ang pinapasukan niyang trabaho doon. Lumipat siya nang isang buwan lang."
Damn! Isang oras pa mula dito ang bahay ni Stefan!
Tinanggal ko ang mga tuwalya sa balikat ko at binalik kay Mama Gracia. "Kailangan ko na pong umalis."
"Anong nangyari? May masama bang nagyari sa Baby Girl namin?" nag-aaalalang tanong ni Mama Gracia.
"Nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakasunduan. Pangako po, hahanapin ko siya."
"Please, find her."
"Pangako po."
Mas lumala pa ang buhos ng ulan papuntang bahay ni Stefan.Binagalan ko ang pagmamaneho dahil maubak, maputik at rumaragasa ang tubig sa kalsada. Stefan's house is still half an hour away. May ilang sasakyan ng iniwan na lang sa tabi ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...