Dedicated to Gretisbored2014
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
Pwede niyong pakinggan niyo po ang media para makarelate kayo.. :D
------------#############--------------
Chapter 14 : Wendell Ferrariz
Wendell's POV
I need a break. Sumasakit na ang ulo ko sa mga subjects namin. Shit! Ang hirap talagang maging medstudent. I am not allowed to make mistakes. Kung hindi, mamatayan ako ng pasyente.
Pamilya kami ng mga doktor. Doktor lahat ng miyembro ng pamilya namin mula sa lolo ko sa tuhod hanggang sa mga kapatid kong babae. Since ako lang kaisa-isang apong lalake, I am expected to become a doctor too.
Feeling ko nasa pressure cooker ako. Sa sobrang init, hindi ko na alam kung kailan ako sasabog.
Buti na lang at nandiyan ang aking kapiling sa bawat kabiguan.
Gusto niyong malaman?
Siya ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.
Music.
Yes, music.
Yup! Songwriter/singer ako. May konteng gigs kami. Kung hindi lang ako pinipressure ng mga magulang ko, siguro sikat na akong singer ngayon. Napagdoktor nila ako pero sa pagkanta pa rin ang puso ko. Siguro iyan ang dahilan kung bakit nahihirapan ako sa medschool.
Hindi siguro ako ganito kamiserable kung sinunod ko ang puso ko.
Music is my life. Ito lang ang outlet ko sa lahat ng mga problema ko sa buhay. Being a doctor, isn't really my thing. Matagal ko ng tanggap iyon. I even told my family about it. Nagalit sila. They made me choose music or family. Siyempre pamilya ko ang pipiliin ko. Mahal ko sila eh.
In return binigay nila ang lahat sa akin: trust fund ko, bagong condo unit, bagong kotse, at pinalagyan talaga nila ang condo ko ng mini library complete with all the medical books needed in medschool. Suhol na lang nila sa akin iyon. Pero naging masaya ba ako, Nah.
Kahit na pinagbawalan nila akong ipursue ang gusto kong career, patuloy pa rin ako sa pagsali sa mga gigs at pagsulat ng mga kanta. Tinangka kong magsulat ng kanta pero wala akong makuhang lyrics sa utak ko.
Nakakatuliro sobra.
Naglakad-lakad ako sa park malapit sa school namin para makahanap ng inspiration. Mga butterflies, kalapati, o kahit itik pa kaya kong gawan ng kanta.
Oh, akala niyo namasyal ako para maghanap ng babae? Kapag inspiration babae agad?
Naghanap ako ng inspiration pero nakakita ako ng Diyosa.
My Muse. My Little Muse.
How long was it? Two years? Two years na mula noong huli ko siyang nakita. Lalo siyang gumanda. Yeah, nagagandahan ako sa kanya. Kung bakit? Malay ko. Kailangan ba lagyan ng rason ang lahat ng bagay? Basta alam ko matagal na akong nagagandahan sa kanya.
Kung burger siya sa McDo, she would be called McGorgeous. Mentally kong binatukan ang sarili ko. Ang corny ko naman pero totoo ha. She look so gorgeous.
Talagang gumanda siya ngayon. (Hindi pa rin ako makaget over sa ganda niya) Hindi na siya mukhang manang tulad ng dati. She's wearing a zipfront black dress with heels. Kahit sa malayo kitang-kita na glowing siya. Swerte naman ng magiging boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...