This chapter is dedicated to Ate Be : purplejeng !!!!
Chapter 19: Realizations
Cedie's POV
Lacie is fading away. Hindi ko siya maliligtas. Wala na akong magagawa pa. Ang bata-bata pa niya para mamatay. She made her choice. She made the ultimate sacrifice. Ibinigay niya ang sarili niyang buhay para sa pag-ibig. Pag-ibig na hindi naman niya sigurado kung makakamtan niya.
"Cedric!" Napalingon ako sa sumigaw. Stefan.
Halos matumba siya sa mamentum niya. "Nasaan si Lacie? Bakas na bakas ang panic sa mga mata ng matalik kong kaibigan.
"Bro, hindi---"
"Kailangan niya ba ng dugo? Compatible kami. Puwede ako. It's been a year since nagdonate ako para sa kanya. I'm fit. I'm healthy. You can take all the blood she needs from me."
"She's fading away, Stefan."
"No?" Umiling si Stefan. "No, it can't be. She's only 24. Bata pa siya. Hindi ko pa siya nakitang masaya. Nangako siyang sasama siya sa akin sa Palawan by the end of this year." Nanlalaki ang mga mata ni Stefan.
I know deep inside he yearns for Lacie's love. Bata pa lang kami alam ko ng may gusto siya sa pinsan ko pero hindi iyon kayang tugunan ni Lacie dahil mahal na mahal niya si Andrei Daciano. Klarong-klaro iyon kay Stefan. Walang nilihim si Lacie sa kanya. Si Lacie ang dahilan kung bakit hindi nagseseryoso sa relasyon si Stefan. Simula niyon nangolekta na ng flings. Wala na siyang sineryosong relasyon.
Gumawa ng tunog ang sanggol sa aking bisig. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Stefan. "Stefan meet Alice Drianna Yvainne Vantilla- Daciano." Karga-karga ko ang produkto ng sakripisyo at pagmamahal ni Lacie. Mamula-mulang labi, puting-puting balat at makapal naitim na buhok. Kamukhang-kamukha niya si Lacie. Napakagandang bata.
Napahawak si Stefan sa kanyang sintido. "Lacie?" basag na ang boses nito.
Humikbi ang sanggol sa aking bisig. Napalingon ako sa glass window. Unti-unting nagflat-line ang monitor ni Lacie habang nakayakap kay Andrei.
"Stefan--"
Hinaplos ni Stefan ang salamin gamit ang nanginginig na may kamay. "Lacie? Pretty girl? Pretty girl, open your eyes..."
"Stefan--"
"Hindi pa siya patay, Cedric! Diba naflatline rin siya dati pero nakabalik pa rin siya." Binaling niya ulit ang mga atensiyon sa salamin. "Come on pretty girl. Gising na."
'Lacie's dead Stefan. She's never coming back." Tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Stefan. Alam kong naintindihan niya ang sinabi ko. Binasa niya lahat ng mga articles tungkol sa sakit ni Lacie. He knows that Lacie's hour has come. Napasandal siya sa salamin at tahimik na umiyak.
Hindi ko na rin namalayan ang pagpatak ng aking mga luha. I failed to save my only cousin. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagdoktor pero wala rin akong nagawa para iligtas siya.
Umiyak ng malakas si Baby Alice. Naramdaman niya ang pagkawala ng kanyang ina. Hindi ko siya mapatahan. I embraced the newborn gently. In a way pareho kami ni Baby Alice. Pareho kaming nawalan ng isang magulang dahil sa letseng pag-ibig na iyan.
Love makes you crazy. Love makes you mad. Hindi ibig sabihin na nakasal na ang dalawang tao may happily ever after na. Lahat ng mga Sebastian kung umibig todo-todo. Natatakot akong mahalin si Portia dahil sa mala-sumpang katangiang ito.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lacie. "It's about time to tell her you love her, Kuya Cedie."
How can a Sebastian like me love someone without the constant fear of destruction? Binaling ko ulit ang aking atensiyon kay Lacie. Nakagawa siya ng paraan upang magkaroon ng kahit konteng happy ending sa buhay niya. Pinagmasdan ko si Andrei na yakap-yakap si Lacie.
Gusto mo bang matulad kay Andrei na pinagsisihan ang bawat pagkakataon na hindi niya nasabi na mahal niya ang asawa niya? Gusto mo bang mawala sayo si Portia habang dini-deny mo sa sarili mo ang nararamdaman mo para sa kanya? bulong ng aking konsensiya.
Naputol ang pag-iisip ko nang lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Baby Alice. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko nailigtas si Lacie. I will do anything for my niece to survive. I will protect you at all cost. I will not fail you, Alice. Kung hindi ka kayang alagaan ng ama mo, ako ang mag-aalaga sayo.
Iniwan ko si Stefan. Alam kong kahit ano pang sasabihin ko wala akong magagwa upang ibsan ang sakit na nararamdaman. Love. Unrequited.
Tinahak ko ang daan pabalik sa neonatal ICU upang ibalik sa incubator ang baby. "Let me have her , Cedric," sabi ni Emmaline na hindi ko namalayang nakatunghay sa mga naganap.
Binigay ko ang sanggol kay Emmaline na siyang nag-abot sa mga nurse upang ibalik sa incubator. "All along, ako pala ang kontrabida sa love story ng pinsan mo at ng ex ko," mahinang sabi ni Emmaline. "Hindi ko alam kung ano ang naging basehan upang magalit siya sa akin ng ganoon. Ginawa niyang miserable ang buhay ko. Dahil galit siya sa akin, nagpasiya rin akong magalit na rin sa kanya. I hated Lacie."
"Galit sayo si Lacie kasi inagaw mo sa kanya ang kaligayahan niya," sabi ko.
Tumawa si Emmaline. "Iyan din ang sinigaw niya kanina. Pero alam mo ba Cedric, nang malaman kong nabuntis siya ni Andrei, ang saya-saya ko kasi makakawala na ako sa relasyong hindi nakapagpasaya sa akin."
Napatitig ako sa kanya. Binigyan niya ako ng matamlay na ngiti. "You know why? Kasi malaya na akong mahalin ka."
After hearing those words from her, I realized no one will ever replace my first love. "I'm not interested, Emmaline." Kay Portia lang ako.
Tinalikuran ko siya pero napigilan niya ang kamay ko. "Araw-araw kitang nakikita sa eskwelahan noon. You are full of contradictions. Masayahin ka pero puno ng kalungkutan ang mga mata mo. Gusto kong makita ang tunay mong ngiti. I always loved you, Cedric kahit hindi pa kami noon ni Andrei."
Tinabig ko ang kamay niya at nagsimulang maglakad pabalik ng ICU. Paliko na ako nang hilahin niya ako at hinalikan. She continued ravishing my lips but I don't feel anything at all. Di tulad ng paghalik ko kay Portia. Halos wala akong paglagyan ng kaligayahan ng mahalikan ko ang Baby Doll ko. This kiss with my cousin's archenemy? Walang-wala sa nararamdaman ko kapag nakikita ko ang ngiti ng babaeng mahal ko.
Babaeng mahal ko... I like the sound of it. Mahal ko si Portia at wala ng ibang makakapalit sa kanya.
Tinapos ni Emmaline ang halik. "So, I seem crushed by loneliness, huh? Is that how I look?" tanong ko sa kanya.Pinahid ko ang likod ng aking kamay sa aking mga labi.
Nakakapit pa rin si Emmaline sa mga braso ko. "You really don't love me, do you?" Bumakas ang sakit sa mga mata ni Emmaline.
"Mayroon na akong ibang minamahal. Siya lang at wala ng ibang babae ang babagay sa akin." Napahikbi si Emmaline sa harapan ko. "Huwag kang umiyak sa harapan ko Emmaline. Hindi uubra sa akin ang mga luha mo. You're so selfish. Kung pinakawalan mo lang si Andrei noong hindi mo na siya mahal edi sana matagal pa silang magkakasama ng pinsan ko. But instead of letting him go, you made him your insurance policy. Ginawa mo siyang reserba na puwedeng mong balikan kapag hindi umubra ang pagtatapat mo. Can you ever give back the time my cousin wasted for chasing Andrei? Can you undo this failed romance? Sana sa susunod panindigan mo na ang nararamdaman mo." Since I've made up my mind on my girl.
Pinaglayo ko ang aming katawan at humarap sa direksiyon ng ICU. Laking gulat ko nang makita ko ang taong hindi dapat nakakita sa nangyari kanina.
Portia.
------------------------#############----------------------
Media: Cedric Sebastian at the side.
Hit the star button if you liked this chapter.
Love lots,
Cambrielle
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...