This is dedicated to Baby_DisLove!
Happy birthday!
Happy 1K reads!
The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.
----------------############-------------------
Chapter Twelve: Meeting Misako
Cedric's POV
"Alam mo, Cedric, ako talaga ang asset ng company namin. Ang rami ko kasing nai-close na deal last month. Sobrang happy ng boss ko." Kanina pa dumadaldal ang bagong babaeng pinapadate sa akin ni Baby Doll. Ano ba ang pangalan niya? Manilyn? Marilyn? Maybelline? Hindi ko na matandaan.
Sobrang daldal. Halos mabingi na ako sa mga pinagsasabi niya.
" Kung ako siguro ang naka-deal ng company ni Mayor, tiyak na sa akin talaga mapupunta ang project na iyon. Ako pa naman ang palaging may komisyon sa amin. Alam mo, Cedric, ako ang employee of the year for two years. Ang galing ko kasi mag-market. Ako rin ang palaging pinapadala sa mga conference ng superiors ko kasi exceptional raw ang skills ko."
Bigla itong nanahimik. "What's wrong friend? tanong ni Portia na nasa tabi niya.
"May dumaan na nakatingin sa atin. Sigurado akong ako ang tinitigan niya. Bakit kay niya ako tiningnan ng ganoon? Nagandahan siguro sa akin. Iba na talaga basta maganda, " sabi nito sabay hawak sa pinsngi nito.
Wala na ba talagang ibang maipapakilala sa akin si Baby doll? Super typhoon ang dating ng babaeng ito eh.
Hindi naman kaya si Baby Doll ang tinititigan ng lalakeng iyon?
Hindi kasi ako pumayag na umalis kami ng bahay nila na hindi suot ang damit na binili ko sa kanya. Nakasuot siya ng black front zip dress with matching heels. Nagtalo pa kami sa bahay niya kanina kasi gusto kong magpakita siya ng konteng cleavage. Kaya nga front zip dress ang binili ko para sa kanya. Hindi siya pumayag na i-adjust ko ang zipper. Pffff...kill joy..
Anyway, Sulit ang libo-libo kong ginastos para sa kanya. She looked sexy today. No, she's always been sexy. She looked ultrasexy .
"Oh my, kinindatan niya pa ako. Naku, Cedie, iba na talaga ang maganda at sexy ano?" pagmamayabang niya.
Nakailang "ako", "ko" at "akin" na ba siya? Tiningnan ko ang table napkin. Binilang ko ang sticks. One, two, three...
Ako: 33
Ko: 67
Akin: 24
Bigyan na ng trophy iyan!
I have to tune her out. Hindi ako makapag-concentrate sa laki ng bunganga niya. Honestly, itong Miss Ako Misako ba talaga ang gustong ireto sa akin ni Baby Doll? Kung kay Misako man lang ako mapupunta, magsa-stock na ako ng hearing aide para sa buong pamilya ko.
"Ano ba ang favorite past time mo Cedric? Ako kasi kayaking ang favorite ko. Sabi pa nga ng trainer ko, pwede akong sumali sa national kayaking tournament!"
Nagtanong pa ang babaeng to. Hindi naman pala ako pasasagutin. Nakakainis na to ah. Pwede ba kahit isang beses lang walang "ako" at "akin" ang sentence niya?
Hayy... Bakit kasi pakipot pa si Baby Doll? Bakit hindi na lang kami magpakasal? Bakit ayaw niya sa akin? Bakit gusto niya Si Wendell Walking Stick? Bakit? Bakit? Bakit??!!!!
Ang masama pa parang ayaw niyang ipakilala sa amin si Wendell Walking Stick sa amin ni Stefan. Natatakot siyang bugbugin namin? Aba kung hindi niya kayang panindigan ang Baby Doll ko, ako kayang panindigan siya. If only she'll give me a chance.
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...