This is dedicated to Ivee LeanneP!
Heto na ang pinakahihintay mong chapter. hehehehe,...thanks for waiting,,...
Hindi po ito na-edit. Paesnsya na po sa misspelled words and wrong grammar..heheheh.
Hit the star button if you liked this chapter.
Chapter 10: The Shopping Spree
Portia's POV
Am I really gonna do this?
Nakatulala lang ako habang busy sa pagpili/paghalughog sa mga hanged dresses si Kuya Cedie sa isang fancy boutique. Inhahagis niya ang lahat ng mga napili niya sa dalawang sales lady na kanina pa siya pinagnanasaan.
Not like he notices them. He hopped from one rack to another. Masyado siyang seryoso sa ginagawa niya. Kapag may nagugustuhan siya ay para itong bata na nakakuha ng bagong laruan.
I'm his doll, afterall.
Pati pa naman ang make up kit ko tinapon niya.
Wala raw kasi akong taste.
Oo na siya na ang may taste!
Kung hindi ko lang siya kilala, paghihinalaan ko siyang bakla. Bongga ang taste of fashion niya! Mas maarte pa sa mga babae. Nagmumukha tuloy akong oversized Barbie na binibihisan ng amo niya.
Sabi pa niya: "Trust me, Baby Doll. Lalake ako. Alam ko kung ano ang gusto ng mga lalake na suotin ng babae."
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mga damit na pinili niya.
"There's no way I'm gonna wear these. Ang pangit kaya ng katawan ko." Itinaas ko ang mga napili niyang damit (O damit ba nga ba ang matatawag doon).
Tama bang pumili siya ng corset top na damit? Heller? Magmumukhang watermelon ang boobs ko sa damit na iyon!
Itinaas ko ang isa pang dress. God! Masyadong revealing. Naghagis pa ito ng halter top, backless, strapless. Hindi yata ako papasukin sa simbahan sa mga damit na ito.
"Hindi ako komportable na nakaexpose ang 3/4 ng balat ko, Kuya Cedie."
"Tsk..tsk..tsk.." Inakbayan niya ako. "Sino ba ang expert sa ating dalawa dito, Baby Doll?"
"I-ikaw..."
"That's right. Kaya ako ang in-charge dito. Hindi kita pasusuotin ng hindi bagay sayo. Hindi mabubuhay si Cedie Monster kung hindi ka sexy. Trust me, honest kami ni Cedie Monster."
"Masyadong mahal naman ang mga damit dito. Lipat na lang tayo."
"Nope, Only the best for my Baby Doll." Mukhang may nahagip ang paningin niya ng biglang pumunta siya isa pang rack. "This one is fun to remove." Itinapat niya iyon sa katawan ko. He licked his lips. "Perfect."
Dios na Mahabagin, iyan lang ang mga katagang masasabi ko sa damit na iyon. Red lingerie with Chinese collar and plunging neckline. As in plunging neckline abot iyon sa diaphragm ko! Kung hindi lang siguro nakatali ang ribbon sa collar niyon, illuluwa nun ang boobs ko! Transparent pa ang tela! Kitang-kita ang matching thong nun. Ribbons lang din ang nagho-hold inplace sa likod. Enough lang ang length ng lingerie para itago ang pang-upo ko.
"Hawakan mo sandali," excited na sabi nito.
Ilang sandali pa ay may dala-dala na siyang red strappy sandals and red stilettos at nilapag sa paanan ko. Animo'y nagtatalo ang isip nito. "Can't decide. I'll take them both," binigay niya sa saleslady.
BINABASA MO ANG
Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2
ChickLit[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian, MD : matalino, mayaman, gwapo, successful : Siya ang biyaya ng Dios sa mga kababaihan. Si Portia Cl...