Third Chase

492 21 3
                                    

Third Chase


[ CAT ]


Grade 5. August.


"Gumawa ka na kaya ng assignment mo. Puro ka drawing eh." Hindi ko pinansin yung panenermon sa'kin ni Lolo Kael at nagpatuloy ako sa pagsketch nung mga manok sa bakuran namin.


"Kahit naman magdrawing muna ako, mas mataas pa rin grades ko sa'yo."


"Tsk."


Napatawa ako doon. Kahit kailan talaga asar-talo si Kael pagdating sa usapang grades.


"Wag ka nang gumawa ng assignment niyo. Bahala kang bumagsak." Sabi niya sabay labas ng earphones niya mula sa bag niya. Magpapakalunod na naman siya sa mga kanta.


"Bakit ka ba kasi nandito? Panggulo ka lang eh."


Tinignan ako ni Kael ng masama at hindi siya sumagot. Sinuot na niya yung earphones niya at nagpatuloy sa pagsagot nung assignment niya sa Math.


"Mali yung formula na ginamit mo." Tapos tinuro ko yung number 3.


Nagpatuloy sa pagsagot ng number 5 si Kael na parang hindi niya narinig yung sinabi ko. Sus, syempre, ayaw niyang aminin sa harap ko na nagkamali siya. Pustahan, pagdating niya sa bahay nila, i-checheck niya yung sagot niya diyan.


"Kael," tawag ko sa kanya.


Hindi niya ko pinansin. Hindi ko na tuloy alam kung nagpapanggap pa rin siyang hindi ako naririnig o masyado talagang malakas yung pinapatugtog niya.


"Uuwi parents ko sa birthday ko. Ang galing, di ba? Kahit hindi sila nakauwi nung Pasko at Bagong Taon, uuwi sila para sa 11th birthday ko."


Tuloy lang sa pagsagot si Kael. Sinimulan kong burahin yung paa nung manok na dino-drawing ko.


"Huy, sa isang linggo na yun ha? Baka nakalimutan mo! Lagot ka sa'kin! Sisipain talaga kita! Hmm... sketch book yung gusto kong regalo. O kaya colored pencils. Tandaan mo yun ah!"


Dinededma pa rin ako ni Kael. Para akong may kausap na hangin dito. Well, madalas naman para ka talagang nakikipag-usap sa hangin pag si Kael kasama mo.


"Kael, ikaw rin ah, wag kang mawawala? Kayo ni Joy. Para kumpleto lahat sa birthday ko."


Akala ko hindi ako ulit papansinin ni Kael pero nakita ko siyang tumango sabay, "Hm."


Ngumisi ako at bumalik sa drawing ko.


* * *


"Cat! Cat!" Inalog-alog ako ni Joy. Nagulo tuloy yung dinodrawing ko.

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon