Nineteenth Chase

283 16 7
                                    

Nineteenth Chase


2nd year high school. January.


[ CAT ]


"Uy, sina Kael." Biglang huminto si Liam sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Tumingala ko at nakita ko sina Joy at Kael. Unang nagtama yung paningin namin ni Kael pero agad siyang umiwas ng tingin. "Uy, uh, anong ginagawa niyo dito?"


Ngumiti si Joy. "Nagkita lang kami ni Kael sa may school kaya sabay na kaming umuwi. Kayo?"


"Siningil ko si Liam sa utang niya sa'king ice cream."


"Ah, pauwi na ba kayo?" Tanong bigla ni Liam. "Teka, tutal kami ni Joy yung magkalapit ng bahay at kayong dalawa yung sa iisang street lang nakatira, gusto niyo bang, uh, kayo lang yung magsabay umuwi at kami na lang ni Joy?"


Napatingin ako kay Liam. Syempre... mas gugustuhin niyang si Joy na lang yung makasama.


Bakit ganon? Bakit ba ko naaapektuhan? Alam ko naman eh, na si Joy yung gusto niya? Bakit pa ko nadidisappoint?


"Hindi na. May pupuntahan pa kasi kami ni Joy," sagot ni Kael. Gulat na tumingin sa kanya si Joy kaya alam ko na agad na nagpapalusot lang siya. Tapos noon, hinila niya si Joy at nagsimula na silang maglakad ulit. Nakita kong napatingin si Liam sa magahawak nilang kamay. "Sige, pare. Una na kami."


Teka, iniiwasan ba ko nung si Kael? Bakit? Ano na namang topak nun?


"Kael!" Tinawag ko siya. Huminto si Joy at lumingon pero nagpatuloy lang sa paglalakad si Kael at isinama niya si Joy. Napatingin ako kay Liam na sinundan sila ng tingin."Kuya, okay ka lang?"


"Huh? Ah, okay lang." Nagpatuloy kami ulit sa paglalakad pero alam kong biglang lumungkot si Liam.


"Ikaw nama kasi eh, pagdating sa ibang babae, ang bilis mong pumorma. Pero pagdating kay Joy, naduduwag ka."


Ngumiti ng kaunti si Liam doon. "Okay na sa'kin na masaya siya."


"Liam..."


"Ano ka ba." Ginulo niya yung buhok ko. "Infatuation lang 'to. Mawawala din 'to."


Sumimangot ako. "Gulo ka ng gulo ng buhok ko, sasapukin na kita. Anong tingin mo sa'kin, aso?"


Tumawa siya. "Nope. Pusa."


"Tse."


Unti-unting tumigil yung ulan kaya nung makarating kami sa kanto nung street namin, isinara na ni Liam yung payong. "Dito ka na lang. Baka gabihin ka pa lalo pauwi."


"Sure ka?"


Tumango ako. "Hindi naman delikado 'tong street namin. Tsaka ako pa ba? Kung meron man akong lokong makasalubong, kayang kaya ko sila no."

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon