Tenth Chase

290 18 8
                                    

NKKLK kinailangan kong mag-update nito dahil masyadong depressing yung update dun sa dalawa ko pang ongoing story hahaha. So, yes, kung reader kayo ng TGV and COL, I suggest na ito yung huli niyong basahin HAHA. <3



Tenth Chase


[ CAT ]


"Akala ko ba ayaw mo?"


Na-estatwa ako nung tinanong sa'kin ni Kael yun, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.


"Kael—-"


Tumalikod na siya at naglakad palayo bago pa man ako makapag-explain, kung ano man yung excuse na sasabihin ko sana.


Oh no.


"Kael!" Hinabol ko sa kanya pero nakikipagkwentuhan siya kay Liam at dinededma niya ko. Lumabas na kami nun ng WOF at nagkakayayaan nang umuwi.


Tumabi sa'kin si Joy na yakap yakap yung Elmo na stuffed toy.


"Nag-away na naman kayo ni Kael? Mukhang seryoso ngayon ah. Anong nangyari?"


Syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kung anong dahilan kung bakit nag-away kami ni Kael.


"Wala lang. Mga bagay-bagay? Alam mo naman kami, kung anu-ano pinag-aawayan." Tumawa ako ng fake. "Wag mo nang pansinin."


"Sure?"


Tumango ako. "Bigay ni Kael 'yan?" Tinuro ko yung stuffed toy na hawak niya.


"Oo." Ngumiti si Joy tapos niyakap niya ng mas mahigpit yung stuffed toy.


See? Tama naman yung ginawa ko. Masaya ako basta masaya yung best friend ko.


Pero pano si Kael?


Nagyaya si Liam sa Penshoppe. Naghahahanap ata siya ng t-shirt. Pumasok silang tatlo sa loob habang nagpaiwan ako sa labas. Umupo ako sa sahig at hinalungkat yung bag ko para sa mga barya-baryang tinapon ko sa loob.


Buti na lang talaga, mahilig ako mag-singit ng barya sa kung saan saang bulsa ng bag ko. Para tuloy sa mga ganitong emergency, may nadudukot ako!


* * *


[ JOY ]


"Okay lang ba kayo ni Cat?" Tanong ko kay Kael nung nasa may Penshoppe na kami.


Tumingin siya sa'kin and he shrugged. "Okay lang."


Tumango ako. Nagkatampuhan nga lang siguro sila. Palagi naman silang ganito. "K-kael?"

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon