Sixteenth Chase
2nd year high school. December.
[ CAT ]
"Bakit hindi ka pa nakaayos?" Bungad na tanong sa'kin ni Kael nung pumasok siya sa bahay.
Tumingin ako sa kanya at saktong tumunog yung timer ko kaya pumunta ako sa oven at nilabas yung isang tray na cookies na ginawa ko.
"Gumagawa ako ng cookies na dadalhin ko mamaya sa Chirstmas party natin!" Masayang sabi ko kaso nanlumo ako nung makita kong maraming cookies yung sunog na yung gilid. "Hala, bakit ganon? Inorasan ko naman."
Lumapit si Kael at tumingin sa cookies na ginawa ko. "Kahit si Cookie Monster, hindi kakainin yan."
"Wag mong idamay si Cookie Monster dito!" Siniko ko siya at tumawa lang siya. Isa-isa kong nilipat sa bowl mula sa tray yung cookies. Tapos tumingin ako kay Kael. "Tikman mo nga."
He look weirdly at me. "Safe ba yang kainin?"
"Ang yabang mo! Tikman mo lang, humingi kasi ako kay Ate Cha ng recipes niya para sa cookies kaya tignan mo kung pareho yung lasa sa gawa niya."
Bumutong hininga lang si Kael tapos kumuha siya ng isa at kinagat yun, mukha pa ngang nahirapan siyang kagatin kasi matigas ata. Kumunot yung noo niya habang nginunguya yun at para bang hirap na hirap siyang lunukin yun. "Sigurado ka bang recipe 'to ni Ate?" Magaling kasi magbake si Ate Cha tapos tuwing Christmas, binibigyan niya ko ng pies at cookies na gawa niya.
"Grabe ka naman!" Tapos kumuha ako ng isa at kinagat. Matigas nga yung cookie tapos lasang lasa pa yung pagkasunog niya at may medyo weird pa na lasa. Niluwa ko pa yung kinagat ko at hindi ko nailunok. "Oo nga, ang pangit ng lasa. Bakit ganon, sinunod ko naman yung mga nakasulat? Hay, sayang naman 'tong mga 'to. Ang aga ko pa naman gumising para gumawa ng cookies tapos nasayang lang." I sighed. Minsan na nga lang ako gumising ng maaga. Hay. Akala ko pa naman, magiging masaya yung araw na 'to tapos simula pa lang, ang fail na. "Teka, diyan ka lang, maliligo lang ako," sabi ko tapos tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa si Kael na nagreklamo tungkol sa pagiging late ko na naman or something.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Bumili pa kami ni Lola ng bagong damit para sa Christmas Party. Actually, simula nung elementary, bumibili talaga kami ng bagong damit para sa Christmas Party. At isa pa, isa lang 'to sa mga iilang beses na pwede kaming magsuot ng civilian clothes sa school. Ang saya, sigurong maging college at wala nang uniform.
Kinuha ko yung school bag ko na puro regalo lang yung laman tapos bumaba na ko ulit.
"Tara na!" sabi ko kay Kael. Tumayo siya tapos dumiretso sa labas. Tinignan ko yung lamesa tapos nakita kong wala nang laman yung bowl ng cookies. Hala? Lumabas ako at nakita ko si Kael na nakaupo sa may duyan namin. "Inubos mo yung cookies?"
"Hindi ako nag-almusal. Tsaka gusto ko ng chocolate chips."
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness
Teen FictionChasing Mr. Right spin-off (Kael's story) Apat na magkakaibigan. Apat na nagmamahal. Apat na minamahal. Apat na taong sadyang tanga pagdating sa love. Join these four people's pursuit of happiness as they experience their first love, first heartbrea...