Part I. Inertia
Newton's first law of motion states that an object at rest will remain at rest and an object in motion will remain in motion, with the same velocity, unless acted upon by an external force.
That is the Law of Inertia.
* * *
First Chase.
[ JOY ]
You are cordially invited to celebrate the wedding of
Lilibeth Jane Suarez and Felix Chua
Sunday, February 21st at two o'clock in the afternoon
St. Andrew the Apostle Church
Norzagaray, Bulacan
* * *
"And that's it for your daily dose of good news this morning. Again, I'm Joy Mercado. Magandang umaga, Pilipinas! Back to you, Alyssa." I smiled at the camera hanggang sa makita ko yung senyas mula sa direktor namin na hindi na ako ang pinapakita sa screen.
Agad na lumapit yung isang staff ng TV program namin sa'kin at inabutan niya ko ng tubig. "Thank you!"
"Ang galing mo talaga, Joy! Tuwang-tuwa sa'yo ang mga tao. Ang gaganda lagi ng feedbacks sa segment mo!"
"Talaga? Syempre, hindi ko naman yun magagawa kung wala kayo." Syempre, I'm happy at the accomplishments and fame na natatanggap ko ngayon. After all, I am the host of my own segment sa isa sa mga pinakasikat ngayong morning show sa bansa. What more could I ask for, right? But I always wanted to be a journalist. Yung klase ng reporter na sumasabak sa mga kaguluhan para maghatid ng balita sa mga tao. I wouldn't care if I'm one of the unknown reporters in the evening news. I'll trade my segment for that chance. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin pinagbibigyan ng network yung hiling kong malipat bilang isang field reporter.
"Eto nga pala, pinadala 'to sa office natin. Para sa'yo. Hindi naman siya mukhang fan mail kaya kinuha ko na para diretso kong maabot sa'yo."
Isang envelope yung inabot sa'kin nung staff. Mukhang mamahalin yung ginamit na stationery kaya siguradong hindi nga 'to fan mail. At buong pangalan ko pa yung nakalagay sa harap, Joy Alexandra Mercado. Mga taong kilala ko lang sa personal yung nakakaalam ng second name ko. Sino kaya 'to?
Nagulat ako nung makita yung nakasulat sa loob. It's a wedding invitation from my highschool classmates. I still remember them. Fourth year high school. IV-Newton. Si Beth, yung president ng klase namin na sobrang bait at kaclose ng lahat at si Felix, yung half-chinese niyang boyfriend. Sinong mag-aakala, sila pa rin pala hanggang ngayon? At umabot pa sila sa kasalan.
May nakita akong contact number na nakalagay sa invitation kaya agad ko itong tinawagan.
"Hello?" Kahit ilang taon na yung nakakaraan, pamilyar pa rin sa'kin yung boses na sumagot sa kabilang linya.
"Beth!" I greeted her. "Si Joy 'to. I just received your invitation. I can't believe na ikakasal na kayo ni Felix!"
"Joy! OMG! May kausap akong celebrity ngayon!"
Tumawa ako. "Baliw!"
"But yes, akalain mo 'yun? Sa simbahan rin pala ang ending namin ni Chua. Pupunta ka ba? May nirent kaming resort para sa guests kaya Friday night palang pwede ka ng pumunta. Para makapagrelax ka naman. Nakakastress siguro yung trabaho mo no? Showbiz ka na eh!"
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness
Dla nastolatkówChasing Mr. Right spin-off (Kael's story) Apat na magkakaibigan. Apat na nagmamahal. Apat na minamahal. Apat na taong sadyang tanga pagdating sa love. Join these four people's pursuit of happiness as they experience their first love, first heartbrea...