Seventh Chase

383 23 15
                                    

Seventh Chase


[ JOY ]


"Hindi mo naman ako kailangang ihatid," sabi ko kay Kael nung makalabas na kami ng school at sinundan niya ko kahit pa sa kabilang way yung daan pauwi sa kanila.


"Alam ko. Pero gusto kong gawin 'to."


Muntik na kong matawa dun. Sobrang paasa nung sinabi niya. Natawa na siguro ako kung hindi lang masakit yung puso ko.


"I'm sorry," bulong ni Kael nung ilang minuto na kaming naglalakad ng tahimik lang.


"Para saan?"


"I don't... feel the same way," alanganin niyang sabi habang nakatitig siya sa'kin. Like he's careful so he won't hurt me.


Pwede palang lalong mahulog sa isang tao habang nasasaktan ka sa mga sinasabi niya. Si Kael lang ata may kayang gumawa nun.


Nababasag na yung puso mo sa mga sinasabi niya, maiinlove ka pa rin lalo sa kanya kasi makikita mo kung pano siya nag-aalala sa'yo, kung paanong ayaw ka niyang masaktan. Pero wala eh, hindi niya ko gusto. So ang ending, hindi naman niya mapipigilan na masaktan ako.


"Hindi ko naman hiniling sa'yo na magustuhan mo rin ako, di ba? Sinabi ko lang na gusto kita, Kael. Hindi ako humihingi ng sagot."


"I'm saying... that, that you should give up on me."


I closed my eyes at tumigil ako sa paglalakad. Tumigil rin si Kael at nakatitig na naman siya sa'kin gamit yung mga mata niyang sobrang gaganda at sobrang sincere.


"Sinasabi mo bang walang pag-asang magustuhan mo ko kahit kailan?" Umiwas siya ng tingin at ngumiti ako ng malungkot. "May gusto ka bang iba?"


"Wala," sagot niya. Pero hindi ko magawang maniwala.


"Ah, I don't care. Kahit hindi mo ko gusto o kahit sinasabi mong mag-give up na ko sa'yo. Okay na sa'kin na paminsan-minsan, maiisip mo ko at guguluhin ko yung isip mo ngayong alam mo na na may gusto ako sa'yo."


"Joy—"


"Isipin mo ko paminsan-minsan, okay? Masaya na ko dun." Tumawa ako. Kahit pilit. Kahit masakit. "Dito ka na lang, Kael. Nahatid mo naman na ko hanggang sakayan ng tricycle. Ako na lang mag-isa sasakay."


"Sigurado ka? Okay lang naman sa'kin na ihatid ka hanggang sa inyo."


"Oh please. Pagkatapos mo kong i-reject? Konting space naman. Hayaan mo kong magpaka-emo mag-isa." Tumawa ako para kunwari nagbibiro ako kahit alam naman naming dalawa na may katotohanan yung sinasabi ko.


"Okay. Ingat ka." Kumaway ako sa kanya at tumalikod na siya. Naglakad na siya palayo sa'kin, papunta sa direksyon niya pauwi. Pinanood ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita. Pagkatapos, imbes na sumakay ng tricycle, dumiretso ako dun sa store ng Mister Donut, um-order ng kape at umupo sa may bintana.

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon