Fifth Chase

406 19 5
                                    

Fifth Chase


Present.


[ JOY ]


"Doon naman tayo sa Wizarding World of Harry Potter!"


"Yes! Eto 'yung pinaka-inaabangan kong part eh. Favorite ko yung Harry Potter!"


"Me too! Sobrang timeless. Ang tanda ko na pero ang hilig ko pa rin doon."


Pinanood ko yung pag-uusap nung ilan sa mga staff nung documentary namin.


"Joy, okay ka na ba? Punta na tayo dun?" Tanong sa'kin ni Eri.


Tatango na sana ako pero may nakaagaw ng atensyon ko. Isang Spiderman action figure. "Sandali lang. May bibilhin lang ako." Pumunta ako doon sa store na yun para bilhin yung action figure at sumunod sa'kin si Eri.


"Souvenir para sa boyfriend mo?" Asar sa'kin ni Eri.


Tumawa ako. "Yup. He's a big fan. He likes to act like he's cool and all, pero closet geek naman siya. He has a collection of Marvel and DC comics."


"Naku, sobrang swerte naman ng boyfriend mo sa'yo."


I smiled. "Mas swerte ako sa kanya." Binayaran ko yung action figure and then we left the store.


Napatigil ako nung may makita akong magkatabing Elmo and Cookie Monster na stuffed toys sa isa sa mga game booths. Favorites 'yun ni Cat. I felt a sudden surge of sadness.


"Joy?"


"Let's go."


* * *


2nd year high school. July.


[ CAT ]


I'm too aware of him. Of how the sun makes his hair a dark shade of brown. Of how he looks directly into the eyes of whoever he's talking to. Of how scarce his smiles are. Of how his rare smiles gives me butterflies. Of how he could immerse himself in music.

And that's how I knew, it was the start of my first love.


"Cat! Nandito ka na pala!" Natigil ako sa pagbabasa sa tinatype ni Joy sa computer sa may library namin. Sinarado niya yung word document ng hindi sinesave.


"Teka, sayang yung sinusulat mo. Para saan ba 'yun?"


She shrugged. "Wala. Sinubukan ko lang kung kaya ko bang sumulat ng feature article pero hindi pala. Ang corny ng kinakalabasan pag sinusubukan ko. Pang-news siguro talaga ako." Tumawa siya.


News writer kasi para sa school newspaper namin si Joy. Journalism kasi yung gusto niyang kunin na course pagdating ng college kaya't ngayon pa lang, active na siya sa school paper namin.

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon