Ninth Chase
[ CAT ]
"Joy?" Nakailang tawag na ko kay Joy pero saka lang niya ko napansin nung kinalabit ko siya. Napatalon pa siya na para bang nagulat siya.
"Hm?"
Nasa may Sta. Maria na kami ngayon at pumunta muna kami sa may National Bookstore para bumili ng mga gamit.
"Itatanong ko lang kung ano sa tingin mo yung mas maganda sa dalawang 'to..." Tinuro ko yung dalawang watercolor na pinagpipilian ko. Mukha pa ring distracted si Joy kaya sinundan ko yung tingin niya. Nakita kong si Kael pala yung tinitignan niya. I sighed. "Akala ko ba magmomove-on ka na? Asan na yung sinasabi mo last time na ang dali lang naman niya kalimutan?"
Namula si Joy sa sinabi ko at umiwas siya ng tingin. "Eh..."
"Hay nako, Joy."
"Hindi naman ganon kadali yun eh. Tsaka hindi rin naman niya ko binibigyan ng rason para magmove-on sa kanya. Alam mo yun? Nareject na niya ko pero parang pinapakitaan pa rin niya ko ng dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya in the first place. Hindi ko talaga kaya."
Tumingin ako kay Kael na kinukulit ni Liam, nandoon kasi sila sa parte na may mga masks na pang-costume. Malapit na kasing mag-October kaya may tinitinda na silang Halloween costumes at decorations.
Ewan ko ba. Siguro kasi kasama ko nang lumaki si Kael at kinder pa lang kami, kilala ko na siya kaya hindi ko makita kung anong nakikita ni Joy sa kanya. Kahit kasi lagi kaming nag-aaway ni Kael, parang kapatid na yung turing ko sa kanya.
"I d-don't know... Hahayaan ko muna. I mean, hindi pa naman natin alam yung mangyayari sa future, hindi ba? Hindi ko alam kung mali, pero umaasa ako na paglipas ng panahon, magbabago yung puso niya." Tumingin sa'kin si Joy at ngumiti. Doon ko narealize na in love nga talaga yung bestfriend ko. "Pero alam mo, hindi ako nagsisisi na umamin sa kanya. Kasi at least ngayon, nakakasama at nakakausap ko na siya na parang normal lang. Hindi na ko awkward pag nandyan siya. Who knows, right? Baka maging mas close kami. Baka mas makilala niya ko. Baka mahulog rin siya sa'kin. Okay na sa'kin 'to sa ngayon. But someday, sa future, malay mo, maging pareho rin yung gusto nung mga puso namin." Tumawa si Joy. "Nakakainis. Ang corny. Ang corny ma-inlove."
Napaisip ako doon. Ano nga kaya yung feeling na may gusto kang tao? Na ma-inlove?
"Rawr!" Dumating si Liam at ginulat niya ko mula sa likod. Napasigaw tuloy ako ng konti.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakasuot siya ng The Hulk na maskara. "Liam, ano ba!" Saway ko sa kanya.
Tumawa siya at tinanggal yung maskara. "Ang tagal niyo naman. Kanina pa kami tapos bumili ni Kael. Ano pa bang hinahanap niyo?"
"Teka lang kasi. Oh, hawakan mo." Inabot ko sa kanya yung sketchpad ko na may nakaipit na lapis. "Para mapadali yung paghahanap ko ng gamit."
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness
Novela JuvenilChasing Mr. Right spin-off (Kael's story) Apat na magkakaibigan. Apat na nagmamahal. Apat na minamahal. Apat na taong sadyang tanga pagdating sa love. Join these four people's pursuit of happiness as they experience their first love, first heartbrea...