Thirteenth Chase

332 22 12
                                    

Thirteenth Chase


2nd year high school. October.


[ CAT ]


"Nasan na ba yung lalaking yun?" Reklamo ni Joy sa tabi ko. "Hinahanap na siya nung coach nila."


I shrugged. "Baka kasama yung girlfriend niyang third year?"


"Ugh, magsisimula na yung laban. I-text kaya natin siya? May load ka ba, Cat?"


"Meron. Kaso tinatamad akong magtext, hehe. Ikaw na lang oh." Tapos binigay ko yung phone ko kay Joy. "Pero wala akong number ni Liam." Nilabas ni Joy yung notepad niya at kinopya yung number ni Liam mula doon. "Bakit hindi mo pa yan sinesave sa phone mo?"


Tumingin sa'kin si Joy at nagkibit balikat. "Hindi ko pa siya nakakatext kahit kailan."


"Huh, come to think of it, ako rin." Si Liam kasi... lagi lang siyang nandiyan? So hindi na kailangang itext? Haha. Tsaka lagi rin silang magkasama ni Kael kaya pag hinanap mo si Kael, makikita mo na rin si Liam. "Anyway, magpakilala ka na lang na ikaw yung nagtext ah."


"Thanks." Inabot sa'kin ni Joy yung phone. After ng ilang minutes, nakita naming tumatakbong bumaba si Liam mula sa stairs sa tabi ng clinic. Binatukan siya nung teammates niya nung makita siya dahil malapit nang magsimula yung laban nila sa basketball sa seniors at ayan, kararating lang niya.


Kumaway siya sa'min ni Joy bago tuluyang magstart yung game at binatukan siya ni Kael kasi para siyang hyper na rabbit na wala sa focus.


"Go Kael! Go Liam!" Sigaw namin ni Joy habang nagchicheer yung batchmates namin sa paligid namin.


"Go Chuaaaa!" Malakas na sigaw ni Beth sa tabi namin.


"Beth, sagutin mo na kaya si Felix para ganahan siya ng todo?" Bulong ko sa kanya.


Tumingin sa'kin si Beth at tumawa. "Baliw! Ikaw rin kaya sagutin mo na rin yung manliligaw mo."


"HA? May manliligaw ako? Sino? Bakit hindi ako informed?"


Tumawa si Beth, "Sino pa ba? Si Kael."


Kung may iniinom lang siguro akong tubig ngayon, naibuga ko na. "Ew! No way! Magkaibigan lang kami nun, ano ka ba. Kaderder. Parang incest na yung sinasabi mo."


Nagsigawan yung mga tao sa paligid namin. Nakapoint ata yung team namin kaya naman nakisigaw rin ako kahit hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari.


At dahil sobrang bored talaga ako pagdating sa ball games, kahit pa gusto ko namang makicheer, nakaidlip ata ako mula kalahati ng first quarter hanggang sa medyo simula ng third quarter.


"GO KAEL!" Sigaw ni Joy sa tabi ko.


Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon