Twenty-third Chase

955 22 24
                                    


Twenty-third Chase

(Summer) 3rd year high school. May.

[ JOY ]

"I can't believe na hanggang ngayon pinipilit pa rin ako nina Mama na magbakasyon sa inyo. I'm not ten anymore, you know," I whispered under my breath to Dana habang pasakay kami sa family car nila. Her father, my tito, is driving at nagkukwentuhan sila ni tita na nakaupo sa passenger seat.

Tumawa si Dana. "Glad to know that you're excited to spend the rest of your summer with us, cousind dearest," she said in a playful voice.

I bumped my shoulder with hers. "Alam mo namang hindi ganon yung ibig kong sabihin no."

She grinned. "Alam ko, may mamimiss ka kasing tao doon sa Garay."

"Oo, si Cat."

"Asa. Yung first love at forever love mo siguro."

"Forever love ka diyan? Ew!" Pabirong sabi ko at nagtawanan kaming dalawa kaya napatingin tuloy sa'min si tita. Bumulong na lang ako kay Dana dahil nahihiya ako sa mama niya. "It's just... the summer's been great so far. I get to be with him almost every day. Lalo na kaming nagiging close. He's teaching me to ride a bike, nanonood ako pag may laro sila sa liga and some days, we'll just lay around lazily kapag sobrang init ng araw, talking about everything under the sun. Alam mo yun? It feels like this time, I actually have a chance with him. Na baka, ngayon, nagugustuhan na rin niya ko. Tapos biglang mawawala ako ng ilang linggo. Birthday pa naman niya sa isang araw. It's weird, right? Dati, okay na kong makausap siya paminsan-minsan sa classroom tuwing break and now, I'm becoming greedy. I just want to spend more and more time with him."

Ngumiti si Dana at umiling. "Mukhang iba na nga talaga yung tama mo kay Kael."

I blushed at that. "Maybe."

"Nandito na tayo!" Biglang sabi ni tito at napatingala kami ni Dana pareho, nakarating na pala kami sa bahay nila, hindi man lang namin napansin. Tinulungan nila akong magbaba ng gamit ko at naglakad kami papunta sa bahay nila mula sa garahe.

Sa may pintuan, rinig na rinig yung malakas na tawanan at hiyawan.

"Ano yun?" Tanong ko kay Dana.

"Si Kuya Derek malamang, tsaka yung kaibigan niyang laging nakatambay dito."

"Kaibigan?" Nalilitong tanong ko at nagulat ako nung makita ko sino yung kaibigan na sinasabi ni Dana. "Liam?!"

Tumingala si Liam mula sa TV, kaya kinuha tuloy ni Derek yung chance para patayin yung character niya sa video game na nilalaro.

"Ang daya mo talaga kahit kailan!" Reklamo ni Liam. Tumayo siya and he went to me with a big smile on his face. "Joy! Uy, anong ginagawa mo dito? Hindi ko alam na pupunta ka---"

"Anong hindi mo al---" Singit ni Derek pero binato siya ng unan ni Liam kaya hindi niya natapos yung sinasabi niya. Tumawa na lang siya ng mapang-asar.

"Magbabakasyon. Ikaw. Anong ginagawa mo dito?"

Ngumisi si Liam. "Di ba sabi ko naman sa'yo, malapit lang yung bahay nina Mama kina Derek? Eto, tumatambay lang."

"Hindi kaya. Ginagamit mo lang ako!" Maarteng sabi ni Derek kaya binato na naman siya ni Liam ng unan.

"Anyway, uh, dalhin ko lang yung mga gamit ko sa kwarto ni Dana," paalam ko sa kanila bago ko sundan si Dana papunta sa kwarto niya kung saan ako matutulog for the next weeks. Pag lingon ko, nakita kong nagsusuntukan ng pabiro sina Derek at Liam. Napailing na lang ako. Boys.

* * *

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong sa'kin ni Liam after we all settled down sa sala. Si Dana yung kumuha sa pwesto ni Liam at siya na nga yung kalaro ni Derek.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon