Eighth Chase
Present.
[ JOY ]
I miss you. Kamusta?
Napangiti ako nung mabasa ko yung text mula sa boyfriend ko.
I immediately replied, We're on our way sa isang sikat na ramen house dito sa Osaka. Ikaw? I love you.
"Konnichiwa!" A beautiful japanese lady greeted us pagdating namin sa restaurant. The camera crew are busy taking a footage of everything while the lady led the rest of us to the table.
Tumunog yung phone ko and I saw a reply.
Eto, busy sa site. Ingat ka. Tatawagan na lang kita mamayang gabi. I love you, too.
My boyfriend's an engineer at may hawak siyang malaking project ngayon. I'm really touched that no matter how busy he is, he still finds the time para kamustahin ako.
Ininterview ko yung may-ari nung restaurant at yung executive chef nila na Pinoy pagkatapos nagshoot kami ng ilang scenes na tinitikman namin yung food.
Pagkatapos, naglibot libot pa yung ibang crew sa paligid ng restaurant habang kumakain naman kami.
"Bakit may mga camera?"
"May shooting siguro."
"Oo nga no. Anyway, nice to catch up with you, Caitlyn. Next time ulit ha?"
Agad akong napatingala nung marinig ko yung mga 'yun. Bukod sa mga Filipino sila, yung pangalang 'yun...
Hinanap nung mga mata ko yung mga nagsalita at nakita kong palabas na sila ng restaurant.
Posible kaya? Siya kaya yun?
"Cat!" Tumayo ako at mabilis akong pumunta sa pintuan. Sa likod ko naririnig kong tinatawag ako nung mga kasamahan ko pero hindi ko sila pinansin. "Cat!"
Pagkalabas ko sa restaurant, nakita kong maraming tao sa kalsada.
Ano nga bang suot niya? Red na scarf. Tama, may suot siyang ganun.
Nilibot ko yung paningin ko sa pagbabakasaling may makita akong babaeng may suot na scarf na red. At hindi nga ako nagkamali, may nakita akong naglalakad na babae sa di kalayuan na may ganong scarf.
"Cat!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Nahawakan ko yung braso niya at lumingon siya.
"Yes?"
Napatulala ako. Mali. "S-sorry. I thought you were someone else."
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness
JugendliteraturChasing Mr. Right spin-off (Kael's story) Apat na magkakaibigan. Apat na nagmamahal. Apat na minamahal. Apat na taong sadyang tanga pagdating sa love. Join these four people's pursuit of happiness as they experience their first love, first heartbrea...