Eighteenth Chase

394 19 8
                                    

Eighteenth Chase 


Present.


[ CAT ]


"So, this first love of yours..." Panimula ni Kevin as the three of us settled in at a restaurant near our office for a late dinner.


Arissa cut him off. "How did you fall in love with him?"


"Was he the reason you were heartbroken when we first met you?" Kevin asked.


"Why are you still talking to him? I thought you lost contact with your friends from the Philippines?" Arissa gasped. "Don't tell me..."


Kevin narrowed his eyes at me. "Are you still in love with him?"


Natawa ako sa interrogation nila. Saktong dumating yung food na inorder namin. So I told them, "Let's talk while we're eating. I'm starving."


* * *


2nd year high school. December.


[ KAEL ]


"HOY KAEL!" Nagulat ako nung biglang pumasok si ate sa kwarto ko.


"Ate, hindi ka ba marunong kumatok?!"


"Ano yung tinitignan mo?" Agad kong tinago yung picture frame na hawak ko. "Ano yan?" Lumapit si ate sa'kin at inaabot niya yung picture frame pero nilayo ko sa kanya. Ilang minuto kaming nag-agawan at naghabulan bago niya tuluyang naagaw sa'kin yun.


"OMG." Nanlaki yung mga mata ni ate sa gulat nung makita niya yung picture namin ni Cat nung Christmas nung isang taon na tinitignan ko nung pumasok siya. Naalala ko pa kung pano ako pinilit ni Cat para makuha yung picture na yun at last year at kung pano siya nagpumilit na ilagay yung frame sa kwarto ko pagkatapos ng isang linggo.


"Akin na nga yan!" Inagaw ko kay ate yung frame at hinagis sa kama ko.


"Narealize mo na no?! Oh my gosh!" Excited na sabi ni ate. Tumatalon talon pa siya.


"Para sa isang taong heartbroken, parang sobrang saya mo naman ata?"


"Ikaw talagang bata ka!" Umakto pa si ateng ibabato niya sa'kin yung tsinelas niya kaya tumahimik na ko. Bakit ba ko napaplibutan ng mga brutal na mga babae? Tss. 


"Lumabas ka na nga!" Sigaw ko kay ate pero umupo pa siya sa kama ko at ngumiti ng malaki.


"Narealize mo na na may gusto ka kay Cat!"


Umiwas ako ng tingin. Hindi ba niya narerealize na hindi ko gustong pag-usapan yung topic na 'to kasama na ate ko? "Anong tingin mo sa'kin? Slow?"

Chasing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon