Second Chase.
Present.
[ KAEL ]
"I still can't believe you're married. Akalain mo yun, may nakatiis sa'yo?" Biro ko kay Ate Cha habang sinasayaw ko siya. It's her wedding today at nasa reception kami ngayon. It's almost midnight pero hindi pa rin natitinag yung celebration kahit pa pagod na pagod na ko. At eto, kahit pa ayoko sa mga ganitong sayawan, dahil sa kinulit ako ng kinulit ni Ate at hindi niya ko tingilan sa pagtatalak niya, wala, nagpatangay na lang ako sa kanya nung hinatak niya ko sa dance floor. Isayaw ko naman daw kasi siya sa araw ng kasal niya. Kaya nandito kami ngayon.
Pinalo ako ni Ate. "Alam mo, ikaw, kahit kailan ang kontrabida mo talaga. Can't you just be happy for me?"
"I am happy for you. Boto ako sa asawa mo."
She smiled. "E ikaw, baby brother, kailan mo naman balak magsettle down?"
I groaned. Parang kanina lang, yan din ang tanong ni Mama sa'kin. "Masyado pa kong bata, Ate. Ano ba 'yan. Wala pa sa plano ko yung mga ganyan."
"I just want you to be happy. Hoy Kael, ate mo ko. At chismosa ako. Akala mo wala akong alam sa mga love problems mong ganyan? Excuse me, marami akong sources. Believe meee, baybeh brothah, I know things about you."
"Bakit ganyan yung mga taong kinakasal? Niroromanticize lahat? Parang dahil lang sa masaya sila na ikinasal sila, gusto rin nilang ipilit yung ganon sa mga tao sa paligid nila?" Naiirita kong sabi.
Akala ko maaasar si Ate sa'kin, pero tumawa lang siya. "Because marrying the person you love will give you a kind of happiness that you could never imagine. Alam mo yun, kahit sa araw man lang na kasal mo, you're contented with your life and you couldn't wish for more." And siguro nga totoo yung sinasabi niya kasi iba si Ate ngayong araw. She's glowing with happiness. Tumingin ako sa malayo. "Ah, may ibibigay ako sa'yo. Maybe eto na yung hinihintay mo?"
Tumigil si Ate sa pagsasayaw at hinatak niya ko dun sa table namin. "Anong hinihintay? Wala akong hinihintay." May kinuha siyang envelope mula sa isang bag na nandoon at inabot niya yun sa'kin. "Ano 'to?"
"Galing kay Tita Ellen. Pinadala daw kasi 'yan sa dating bahay natin sa Bulacan. It's for you."
I sighed bago ko binuksan yung envelope.
It's a wedding invitation from two of my high school classmates.
"Ang balita ko, pinipilit ni Beth na imbitahin yung buong klase niyo sa kasal niya." Tumingin ako kay Ate at ngumiti siya sa'kin. "Baka 'yan na 'yung hinihintay mo," pag-uulit niya.
* * *
Grade 5.
"Chaaaaaaa!" Napatalon ako mula sa kinauupuan ko nung biglang pumasok si Ate Maggie, yung bestfriend ni Ate, sa bahay namin. Buti na lang wala akong iniinom nung bigla siyang sumigaw kundi nasamid pa ko. "Tara na! Pasok na tayo!"
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness
Novela JuvenilChasing Mr. Right spin-off (Kael's story) Apat na magkakaibigan. Apat na nagmamahal. Apat na minamahal. Apat na taong sadyang tanga pagdating sa love. Join these four people's pursuit of happiness as they experience their first love, first heartbrea...