utang

1 0 0
                                    

sa mga panahon ika'y umuutang, uutang at may utang ay hanap-hanap na,
nakatago ang mga tawag salita't pangako nila,
at di kailaman magiiba itong aking pagbigay ngunit ngayon kailangan na, bat tila sila'y nagbabago ng pananalita na tulang pangakong sinasabing magbabayad na!,

asahan mo na kahit kailanman kami ay di pautangan at uto-utong kung kailan niyo lang kailangan bagamat kami at tayo'y sadyang tumutulong lang at di titigil kami ay maningil sa mga utang wag lang kaming iiwasan, taguan, balewalain at iwanan para di mawala at maglaho ang mga utang na loob,

ano mang pagsubok ang dumating ay kakapit, lalapit at pilit paulit ulit  na kumakapit sayo,
anuman mangyari mga pangako mo sana'y naririnig pa ng puso kong nalilito at nahihilo kakaisip kung kailan ang bayaran,

tila tuloy-tuloy lang kumakapit magsalita, magsasabi, mamumulak-lak at mamumukad-kad ang bibig at labi sa halimuyak mong mabangong pangako't salitang ika'y laging may kwentong pinagdadaanang problema,

tila tulang aking nauunawaan at nadadama kaya't ako'y bigay na bigay, hulog na hulog sa kwento mong
pang-kdrama kahit maiyak-iyak ako, kahit na naantig ang puso ko,
kahit na hirap na hirap din ako sa takbo ng mundong magulo,

bukas man ay di sigurado asahan wala pang bayad, wala ka parin pangbayad at sa huli wag naman sana ang wala nang bayaran......

ikaw lang ang umuutang sa malungkot at magulong mundo,
kaya't naririto ang mga kamag-anak mo na handa kang hiraman sa panahong nagkakagulo ang mundo mo,
kaya naririto akong umaasa na babayaran mo ang pangakong sinasabi mo na sa pagbabayad mo lang ang nais ko,

di ka pa rin nagbabago sa susunod na buhay ganun at ganun ka pa din uutang at uutang ka parin,
sa mga kwento at salita mong kasingungalingan sila, ako at kami iyong nabibiktima, nabiktima napaglaruan, napaikot-ikot,
nabibilog-bilog at nabihag,

sa mga akala kong totoo, sa mga akalang pawang totoong totoo,
na tila kami'y nagiging uto-uto,
na nagiging totoo sa pananaw at pandinig ko,
sa pagsapit at padating pawang katotohanan lang ang gugustuhin ko, ang pakikinggan ko, ang papanigan ko, at paniniwalaan ko,

ngunit nawasak, nagkabahid, nagkamantsa, at tulayan masisira o tuluyan mong sisiraan at sinisira ang tiwalang aming binibigay,
tuluyan mong ginagago ang tiwalang sayo'y tutulong,
tuluyang winawasak mo ang tiwalang di masisira ng anuman bagyo.

ikaw na nga ang may utang sa aming magugulong mundo
kaya naririyan ang bibig labi at panlawak na malalaking pananalitang punong puno ng kwentong kasingungalingan at kalokohang di matigil-tigil makahawak lang ng tunay na pera-perahan,
na tila tulang kami naman ay
dalang-dala,
na nadadala at nagpapadala sa mga sinisira mong tiwala,

ikaw lang ba ang may dala-dalang pagsubok at problema,
kaya't kami naririto't lumalaban at nagbabayad ng utang kahit pa malilit at mumunting bayad lang ang aming binabayad sa aming pinagkakautangan, pananalitang may salitang paniningdigan sa pangakong kami ay magbabayad pero di gagaya at magpapagaya sa salita mong wala ng bayaran sa utang.

nawa'y lapitin ka ng isang di mo inaasahang salitang karma,
nawa'y kapitin ka ng isang di mo inaakalang sandamakmak na kamalasan,
nawa'y sa huli maunawaan at mauunawaan muna ang salitang utang na dapat na karapat-dapat mong ipagmalaking bayaran,
nawa'y sa huli purihin ka ng maykapal bagamat pagkat di ka nagiisa,

nawa'y sa mga dasal may iisang natupad para sa ikakatahimik ng iyong kalooban,
nawa'y sa mga hiling may naganap at nakuha mo na ang tunay na himala ng milagrong may pagasa kaya't magbayad na sa utang ng nagpapabigat kalooban,
nawa'y sa dulo'y purihin ka ng maykapal pagkat di ka kailanman nagiisa at magiisa sa mundong punong ng utang...

clv

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon