ABOUT TIME
mini seconds na nabubuo pa ako,
mini seconds lumalaki na ko sa loob,
seconds malapit na ako lumabas,
seconds nakalabas na ko, at nakita ko ang likha ng tao, likha ng kalikasan, at likha ng maykapal,minutes pinapakain ako,
minutes kumakain na ako,
minutes nagaaral na ako,
minutes nakakapagbasa't sulat na ako,
minutes kaya ko na lumakad,
minutes naglalakad na ko magisa,
minutes sinusundo ako,
minutes naghahatid na ako,oras nakapagtapos ako,
oras hanap dito hanap doon,
oras nakapasok ako,
oras natuto na ko magalit, magsalita, magmarunong, uminom, at magyabang,
oras na iniwan din ako,
oras iniwan na din pala ako,
oras nakahanap ako,
oras nagmahal ulit ako,araw biglang nakabuo ng maliit na segundo,
araw doble kayod,
araw gagawin kong gabi,
araw unti unting nabubuo at lumalaki,
araw lumabas, nabuo at nagpaganda ng araw ko,taon malaki na pala araw ko,
taon napagtapos ko ang ganda ng araw ko,
taon nakahanap ang araw ko,
taon makakabuo na ang araw ko at magkakagabi na ako,
taon umalis ang araw ko,
taon bumukod na ang araw ko,
taon binisita ako ng gabi ko,
taon nagkasakit ang oras ko,
taon iniwan ako at nawala na ang oras ko,
taon unti unting na ako nawawala,
taon dapat ko ng iwan ang aking araw at gabi,
taon ako'y nasa langit na..."maliit na segundo, segundo, minuto, oras, araw, gabi, at taon gawin pinakamahalaga sa buhay ng tao dahil ang buhay ay isang mapaglaro at mapagbiro,
bawat segundo, bawat minuto, bawat oras, bawat araw at gabi, bawat taon ang pinakamasaya, pinakamasarap, pinakabaliw, pinakamamahal mahal, pinaka maharot, pinakamalungkot, pinakamasarap pagkain na minsan lang mararanasan at matitikman
dahil pag wala na di muna pwedeng balikan, babalik ka man pero ung lasang nakaraan di mo mararamdaman dahil minsan lang ang buhay sa oras, minuto, segundo at taon"
(my favorite na tula na nagawa last August 2017).

BINABASA MO ANG
MIND POEMS
Poetryit's a poems of every life of every single life and in whole every night. mind is all i can see, i can feel and what i input in my own, in our own, this is me inside of my brain that i wanna shout out my whole creation of my poems, inside of electri...