Akin

2 0 0
                                    

wag ka ng kumapit lumapit umasang meron salitang akin
dahil baka sa huli masaktan lang kita muli
unti unting nakukuha ang damdamin muli't muling nahuhulog ang iyong pagibig sa akin
pero wag na lang dahil sa huli sa dulo muli kitang....

iiwanan, iiwan muli ang iyong puso magisa,
kahit ito'y ayoko,
kahit ito'y pilit kong nilalabanan,
kahit ito'y sinasabing nilang nakatadhana,
kahit ito'y ayokong mangyari ngunit dahil muli sa salitang ito ako'y nagmahal......

dahil mahal kita higit pa noong una,
mahal kita higit pa sakin buhay,
mahal kita higit pa sa akin sarili't salita
mahal kita higit pa sa lahat,
mahal kita kaya naman sana'y pakinggan mo ang awit ng tadhana,

mahal kita kaya naman sana'y pakinggan mo ang awit ng puso,
mahal kita kaya naman muli mong sabihin sa aking ang salitang mahal kita,
mahal kita kaya naman pakinggan mo ang tulang ito para malaman mong..........

mahal kita sinta pero paalam,
mahal kita pero paalam akin sinta, mahal kita muli't muling kong itatalaga sa akin sarili't salita na mahal kita aking sinta,
mahal kita pero paalam muli kitang iiwan magisa
mahal kita pero paalam ngunit muli naman kitang makikita,
mahal kita pero paalam ngunit muli naman ako'y iyong mararamdaman,
mahal kita pero paalam sinta nawa'y sapat nang nalaman at naramdaman minamahal mo ako ngunit....

sa likod ng lahat ako ay may iisang nakatagong tanong mahal kita ay ang masaklap kong katotohanang pawala na,
ngunit sa likod ng mga katagang nakatagong salitang mahal kita ay
ang hinanakit at hinagpis kong tadhana na.....
bakit ikaw pa,
bakit ako pa,
bakit ngayon pa,
bakit di na lang noong una,
bakit kung kailan okay na,
bakit kung kailan masaya na,
bakit kung kailan mahal ko na,
bakit kung kailan pawala na,
bakit kung kailan pawala na ang lahat sa akin...
ang mga oras,
ang mga araw at gabi,
ang mga panahon at taon,
bakit kung kailan pawala na ang lahat lahat
bakit kung kailan pawala na ang salitang tulang AKIN ngunit....

dahil mahal kita higit pa noong una,
mahal kita kaya naman ay sana
mahal kita higit pa noong una,
mahal kita kaya naman ay sana'y
pakinggan mo ang awit nang malaman,
mahal kita sinta pero paalam.....

clv
donpochollothometeoumalicham

kung meron man makakita at makabasa nitong ginawa kong tula pakiusap pakinggan niyo po ung kantang PERO PAALAM habang iyong binabasa aking tulang salitang AKIN salamat po......

revised word of the song PERO PAALAM,

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon