MAYKAPAL

10 1 0
                                    

pagtatanong lang ang ginagawa ng maykapal,
tadhana ang tanong na binabato ko,
at kayo ang hahanap ng sagot,

sagot na nabubulag,
sagot na nabibingi,
sagot na maliwanag,
sagot na madilim at malabo,
minsang sagot na nasa paligid ligid lang,
minsang sagot nasa tao lang,
sagot na na nasaiyo na pala,

tanong ng maykapal lang ang ginagawa ko,
tanong na tatahimim at mapapaisip sa tanong,
tanong na tatahakin ka sa tamang landas ngunit minsan landas ay nahihibang at umuusbong,

tanong na bakit lagi siya ang sapat, tapat, at dapat sisihin sa tanong na sadyang di mo lang makuha bagkus nasa tamang panahon at oras lang,
tanong na sapat nang sabihin na lagi kayong tinatama sa tama s mga maling nagawa at nagagawa,

tadhana na laging binabato,
tadhana na laging di masalo,
tadhana na lagi at kusang nangyayari at nagaganap at magaganap,
tadhana na minsan sadyang naglalaro,
tadhana na minsan nagloloko,

iisa lang ang gusto niya ang mapayapang mundo,
mapayapang buhay,
at kaunting karanasan ng pagkaranas,
isukli mo ang bawat pagmamahal na binibigay at bigay sayo,

isukli mo ang bawat segundo minuto oras araw at gabi at taon at panahon at dekadang pagmamahal na walang humpay na inalay para sayo,
sadyang para lang saiyo, para sa buhay na nais mo at buhay na mahal na mahal mo pagkat tangi mahal mo ang buhay na lumikha para sayo...

"QUESTION IS NOT A REAL ANSWER,
ANSWER IS THE REAL TRUTH QUESTION"

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon