sa mga panahong nagiisa,nalulumbay, nalulungkot at hanap hanap ka
at hindi kailanman magiiba itong aming pagibig, itong aming panalagin
asahan mo man kahit kailanman
hindi titigil di ka iiwan gaya ng di mo kami iniwan di kailanman magbabago aming pagibig na nagmula sayo,
anumang pagsubok ang dumating ay kakapit sa amin
anumang unos ang parating ay lalapit lapit sa amin
anumang mangyari pangako na naririto akong lumalaban at di susuko
anumang mangyari pangako na naririyan ka aming diyos
kumapit lang sabihin lang ikay mamahinga't manalangin upang kami iyong maalala, mahalin, makita, pakingan at marinig aming panalangin at dasal,
bukas man ay di sigurado asahan mong muli kami mananawagan, mananampalataya, magsusumamo at mananalangin araw man o gabi,
anong oras man o panahon,
taon man ang lumipas,
kahit pa wala na kaming maibigkas tanging isang salitang dasal lang aming hangad habang kami ang buhay mo,
habang kami ay buhay sa pagmamahal mo at asahang aming ang panalangin ng pagmamahal mula sayo na nagmumula sayo na aasa kami magpakailanman aming ka,
ikaw na nga ang lakas, malakas sa lahat dahil sa iyong pagibig na nagmumula sa amin kahit pa sa magulong mundong ito,
kahit pa sa mapaglarong nakakalitong mundong ito,
kahit pa sa makasalanang mundong ito
kaya't naririto ang dasal at puso kong umaasa na hihilumin mo, patatagin mo, pagtitibayan mo, pakikinggan mo at maniniwalang magpakailanman sa pagmamahal mo lang ang nais ko sa nais ng lahat na kami iyong ililigtas sa mapaglarong nakakalitong makasalanan at magulong mundong ito
di magbabago aming panalangin kahit pa anong bagyo ang dumating sa amin alam namin na sa susunod na buhay ang mamahalin ay ikaw pa rin aming panginoon na sasagip sa aming mga kasalanan at ikaw pa rin ang aming diyos na makakasama namin sa mundong mapayapang paraiso, aming ama salamat sa iyong pangakong paraiso.
ikaw na nga lakas sa magulong mundo kaya naririto ang puso kong umaasa na hihilumin mo pagmamahal mula na nais ko,
clv
BINABASA MO ANG
MIND POEMS
Poetryit's a poems of every life of every single life and in whole every night. mind is all i can see, i can feel and what i input in my own, in our own, this is me inside of my brain that i wanna shout out my whole creation of my poems, inside of electri...
