PROUD

7 1 0
                                    

PROUD

nagsikap ako,
matiyaga ako,
nag-aral ako,
pinaghirapan ko,
pinaghusayan ko,

sinikap akong buhayin ng nagiisa kong  pinakamagandang buhay,
sinikap ako kahit nagiisa lang siya,
sinikap kami kahit ina't ama pa siya,
sinikap ko kahit ako'y buhay,

matiyaga ako kahit matagal at mabagal,
matiyaga ako alunin at lamunin na ako ng hiyas ng problema,
matiyaga ako kahit umurong, lumipas, at lilipas pa ang panahon,
matiyaga ako dahil ako'y buhay,

nag aral ako kahit ako'y loloko loko,
nag aral ako kahit iba iba ang aral at andar ng ulo,
nag aral ako kahit ako'y minsan gago,
nag aral ako kahit alam ko delikado ang tatahakin ko,
nag aral ako'y buhay,

pinaghirapan ko dahil pinaghihirapan ko,
pinaghirapan ko dahil marami sila na kailangan ako,
pinaghirapan ko kahit marami din silang mga gago,
pinaghirapan ko kahit alam ko babalot ito sa araw ng gandang ng buhay ko,
pinaghirapan ko dahil ako'y buhay,

pinaghusayan ko dahil gusto ko,
pinaghusayan ko dahil kailangan ko,
pinaghusayan ko kahit wala ang tulong ng iba,
pinaghusayan ko dahil mahal ko ang pinaghuhusayan ko,
pinaghuhusayan ko dahil ako'y buhay,

sinikap ko dahil pangarap ko,
pinagtiyagaan ko kahit abutan pa ako ng panahon,
nag aral at mag aaral at patuloy pa din mag aaral para sa kanila,
pinaghihirapan ko dahil sa iisa kong inaasam na katahimikan at kapayaan,
at paghuhusayan ko pa lalo't dumadami na sila, rumarami na sila sa inaasam asam kong kaayusan ng aking mundo,

sikapin ko man hangad ko lang ay salamat at alak,
nag aral man ako hangad ko lang salamat at sana may sumunod sa yapak ko,
paghirapan ko man hangad ko lang makasama ang araw ko at ang gabi ng nabuo ang buhay ko,
paghusayan ko man hangad ko lang ay husayan ,husayin din ng iba,

"be proud, grab more and never be enough for  that"

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon