gumaan ba ang pakiramdam mo?,
sa mga pinaggagawa mo na parang kahit mali na tuloy at tiwali pa din ang gagawin mo,sa mga pinagsasabi mo na parang walang katapusan na pwede mo sila laitin at husgahan mula ulo hanngang paa,
sa mga masasakit mong salita na parang sinasapihan ka ng masamang ninalang para lang mailabas mo ang salitang gago at putang ina mo,
sa mga pahayag at pananalita mong magbuhos ng masamang salita na kahit alam mong mali sasabihin mo pa din at kasampit nitong sinasabi mong mamatay ka na,
sa mga damdamin mong punong puno ng galit na parang kulay araw sing init ng sinag ng araw na parang di mapigil at di matapos-tapos ng pagsigaw mo ng galit at hinagpis,
sa pakiramdam mong umaapaw na pighati na kahit abutin pa ng palubog ng araw sampit mo pa din balang araw lulubog at luluhod kayong lahat,
gumaan ba ang loob mo sa ginawa mo
nailabas mo na ba ang lahat lahatkahit ilabas mo pa lahat ng galit mo di ibig sabihin nun nakaganti ka na sa kanila,
kahit ibuhos mo pa ang lahat ng masasamang salita di ibig sabihin nun nakapuntos ka na at nasaktan mo na sila pakiwari mo'y nagdamdam na sila,
kahit tawagin mo ang lahat ng santo di ibig sabihin tama ka na at panig na sau ang langit,
kahit sirain mo pa ang buong pagkatao nila mula ulo hanggang paa hanggang kaluluwa di ibig sabihin panalo ka na di ibig sabihin nagwagi ka na,
kahit wasakin mo pa ang mga mahahalagang bagay sa buhay nila di ibig sabihin bagay lang sila na pwede mong sirain o ibenta tila mapapaisip ka na lang nasaktan mo na sila,
at kahit sirain, wasakin at paghahampasin mo pa sila gamit ang baseball bat mo,
sa palagay mo ba may pakialam sau ang mga taong yun,
sa palagay mo ba nasaktan mo na sila mula ulo hanggang paa abot at tagos hanggang kaluluwa
sa palagay mo ba isa kang mahalagang mataas at makapangyarihan na tao para bigyan ka ng pakialam,
sa palagay mo ba lahat sayo ay tama,kung gusto mo talagang maghiganti sa mga nanakit sau,
mag aral ka at higitan mo silang lahat gamitin mo ang talino mo at wag kang gagamit ng dahas at masasakit na salita,kung gusto mo talagang maghiganti sa mga nanakit sau,
magmahal ka at ipakita mo sa kanila ang tunay na pagmamahal ng diyos,kung gusto mo talagang maghiganti sa mga nanakit sau,
magpatawad ka at ipadama mo sa kanila ang kahulugan ng tama na sa tama,sa ganun paraan man lang nakaganti ka na sa kanila sa mga nanakit sayo ng di gumagamit ng dahas kahit paano nakikita nila di ka nila kayang ipatumba at sirain pero mangyayari lang yun kung ikaw ang magbabago dahil
walang mangyayaring pagbabago kung di ikaw ang magbabago.

BINABASA MO ANG
MIND POEMS
Poetryit's a poems of every life of every single life and in whole every night. mind is all i can see, i can feel and what i input in my own, in our own, this is me inside of my brain that i wanna shout out my whole creation of my poems, inside of electri...