PERSONA VERSION.1

6 1 0
                                        

persona version 1 sa harap at likod

aspeto ng aking pagkatao,
aspeto sa aking ugaling pagkatao,
aspeto sa aking asal tao,
aspeto ng aking katauhan dapat bang ilabas,

pananaw ng aking pagkatao,
imahe ng aking pagkatao,
tingin ng aking pagkatao,
nakikita kaya nila ang aking katauhan,

katauhan ko laging masaya,
katauhan ko laging malungkot,
katauhan ko laging galit,
katauhan ko laging nakakatawa,
katauhan ko laging baliw,
katauhan ko laging iba,

katauhan ko iba sa naiibang katauhan,
katauhan ko ibang ibang sa naiiba,
katauhan ko nabibilang lang sa nabibilang,
katauhan ko bilang lang sa lahat,

katauhan ko ang pinaka masaya,
katauhan ko ang pinaka maligalig,
katauhan ko ang pinaka dapat na masaya,
katauhan ko ang pinaka hinihintay nila,

katauhan ko ibang ibang sa hinaharap ng harap,
katauhan ko sa harap naiiba sa likod,
katauhan ko na tunay kong katauhan naiiba sa katauhan kong hinaharap ng harap,

katauhan ko na tunay kong katauhan ako'y galit, malungkot, magisa, baliw, at iba,
katauhan ko na tunay kong katauhan ako'y nasasaktan, nasasakal, nahihibang, nababaliw, nalulungkot, nagagalit, nagagago, at naiiba,

katauhan ko na tunay kong katauhan sa bawat nakita, nadama, narinig, nasugatan, nahawakan, nakapa, at naiiba
pagkat katauhan ko sa loob looban nasasaktan, sumisigaw at walang katapusan at di mauubusan ng luha at iyak at hiyaw,

gayahin man nila akin katauhan wala pa rin silang alam,
imahe ko man ang kanilang puhunan wala parin silang pakialam sa akin pandama,
makuha man akin katauhan di parin nila alam akin likod na katauhan,
mawala man akin katauhan iisa lang ang aking tunay na katauhan,

katauhan ko man ang iyong hinaharap sa harap hanapin mo man ang likod ng katauhan sa likod di mo pa rin makikita ang tunay kong katauhan harap man o likod, bukod tangi ako lang ang tunay na katauhan,

sa iyong nakikita sa  akin katauhan masaya ka, pinakamasaya ka, pero sa tunay di mo ako tunay na kilalang tunay na katauhan,
katauhan ko man na tunay di mo nakikita pagkat katauhan mo di mo rin makita,

pagkat, pangkat, patlang ang bawat isa sa ating harap na katauhan,
harap, harapan, hinaharap ang sa likod ng aking katauhan,

tunay, patunay, nagpapatunay, magpapakatunay, at totoong tunay ang bukas na isipan,
ang mayroon bukas na isipan,
ang mayroon bukas na malawak na isipan,
ang bukas na alam ang tunay na katauhan,

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon