BUKANG ARAW

9 1 0
                                        

bukang araw ko'y nakakasilaw silaw na kahit mata ay masore eyes dahil sayong mukha ako'y gandang ganda,

bukang araw ko kahit ako'y di nakikita sa dami ng gusto sayo'y makakita hanggang tanaw at sulyap lang aking makikita,

bukang araw sala sa init ng iyong katawan tadtad ka man ng marka't burda sa katawan simbolo man ng sining sa maharlikang paghanga,

bukang araw sala sa lamig di man ako ang napapalamig ngunit ako'y matagal na sa iyong puso isipan itanggi mo man nandyan ako at ika'y nariyan,

kamot kung saan saan ika'y sarap na sarap kahit alam mo ika'y masusugatan masasaktan,
dahil inihayag mo di baling masaktan ako wag ka lang umalis sa akin kasarapan at bungang araw ka ng aking buhay,

bukang araw ako'y aalis na ako lilisan na ngunit iisa lang ating pagmamahalan ako'y babalik pa rin sa iyong buhay katawan,

dahil ikaw ang aking bukang araw sa liwayway ng aking araw kahit pa ako'y bunga lang ng isang araw, pagkat ako'y parte na ng iyong araw dahil ako ang iyong bungang araw sa tag araw sa bukang araw"

"kahit ano pa ang nakaraan ng isang tao madumi man o malinis makati man o hindi parte iyon ng buhay ng isang tao ng nakaraan mo kung saan minahal mo rin ang sariling mo ikaw ang totoong pagkatao mo dahil likha ka ng bukang araw ng may kapal kaya isa kang bunga sa araw bungang araw mahalin mo man at mamahalin mo pa rin ang sariling ikaw"

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon