HAWAK-KAMAY

3 0 0
                                    

Hawak kamay sa pagibig,
Hawak kamay sa pagibig na tunay,
Hawak kamay sa pagibig na tutol ang lahat,
Hawak kamay sa pagibig na ikaw at ako lang sapat na,

Hawak kamay sa pagmamahalang wagas,
Hawak kamay sa pagmamahalang tila walang wakas,
Hawak kamay sa pagmamahalang walang kapantay at katulad,

Hawak kamay sa anong dahilan,
Hawak kamay sa paanong paraan,
Hawak kamay sa iisang salitang mahal,
Hawak kamay sa sinong humahawak ng iyong kamay,
Hawak kamay sa sinong sumira at nanira,

Hawak kamay sa isang kamay na tila masakit na at nakakasakit na at nasasaktan na pala,
Hawak kamay hanggang saan,
Hawak kamay hanggang tila iba na nagiiba na sa salitang mahal,

Hawak kamay hanggang saan kakayanin ang lahat,
Hawak kamay, kamay na tila hanggang dulo ba,
Hawak kamay na tila babalik kami muli sa simula,
Hawak kamay hanggang sa dulo't simula,

Hawak kamay na kami muli ating sisimulan,
Hawak kamay na kami muli aming sisimulan,
Hawak kamay na muli aming sisimulan umpisa hanggang huli hanggang sa muli hanggang sa may salitang mahal parin kita muli,

Hawak kamay sa simula ng pagmamahalan,
Hawak kamay sa dulo ng ating buhay pagmamahalan,
Hawak kamay sa gitna ng simula at dulo ng ating pagiisa,

Hawak kamay sa walang katapusang pagmamahalan,
Hawak kamay sa walang wakas o wagas na pagmamahalan,
Hawak kamay sa simula at dulo hanggang sa wakas o wagas ng ating huling pagmamahalan,

Hawak ng maluwag sa kamay para sa kalayaan ng isa't isa na may puspusang tiwala sa bawat isa,
Hawak ng mahigpit sa kamay para sa pusong nagaalab ng walang humpay,

Hawak kamay na may buong buong tiwala at buong buong paniniwala sa itaas sa maykapal,

"Dahil hawak kamay lang para sa malalayang pagmamahalan ng iisang pusong nagmamahal sa isa't isa hanggang may tiwala at tiwala sa maykapal dahil lahat may karapatang magmahal kahit sino ka man kahit sino pa man"

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon