MINSAN GANITO

9 1 0
                                    

minsan ganito

ganito pala ang buhay ng isang tao, minsan masakit, minsan masaya, at minsan malungkot, ganito pala sa mundong pabago-bago,

nakakalito, napapaisip, napapatanong, at minsan sinisisi sa iba, minsan sa maykapal,

ganito pala sa sobrang taginit, marami ang nagrereklamo, marami ang napapainit ulo, at marami din ang init't apoy sa puso,

ganito pala ang buhos ng tagulan, marami ang napeperwisyo, marami ang naiinis, marami din ang di makalabas, at marami din ang napapaiyak,

marami man ang minsan at ganito wag kang mabahala dahil ganito minsan ang napagiiwanan at iniiwan,

sigurado marami ang magaalala at mapapagod sa kakaisip, kaya dapat yung mga naiiwan magsikap mamuhay ng maayos at tahakin ang tamang landas ng tadhana, maiiyak tayo minsan pero dapat ngumiti pa rin tayo at subukan at pilitin maging masaya lalo ka na,

gawin mo ito, gawin mo yun kapalit ng pagmamahal nila sayo kahit na minsan'y ganito...."

"don't ask too much, be content and enough"

"don't ask too many questions, just follow the flow of life"

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon