PAHINA

13 1 0
                                    

tula#9 pahina

sa bawat pahina laging basahin,
sa bawat nakasulat pumulot ng aral,
sa bawat nabasa ibahagi sa nagbabasa,
sa bawat nilalaman bigyan ng halaga,

dahil sa bawat pagbasa, sa bawat nakita, sa bawat nilalaman, at sa bawat pagpulot ng aral,

ang halaga doon mo maaalala ang lahat ng paggawa ko ng pahina, sa paggawa ko sa pahina, sa pagukit ng aking kamay,

papindot ng aking daliri, pag kakulit ng aking matalagang isipan at pagbigay laman sa bawat pahina,

dahil doon mo ko maaalala, doon mo ko makikita, doon mo makikita ang pagkatao ko at doon mo ko mararamdaman sa iyong kalungkutan man o kasiyahan tuwing nabasa ang aking pahina,

sapat na sa akin na ako'y iyong makilala, sapat na sa akin na ako'y niyong nakilala,

sapat na sa akin na ako'y di pa niyo kilala, sapat na naalala niyo lahat ang laman ng aking pahina,

dahil sa bawat pahina, pagsulat, pagpindot, pagkalikot ng aking isipan at sa nilalaman ako'y buhay,

ako'y naglalaman ng mahihiwagang isipan na handang ihayag sa lahat, ako'y nabubuhay at patuloy sa buhay ng aking pahina  pagkat ako'y magmamahal at nagmamahal sa akin pahina sa akin magagandang pahina ng sining sa pagbasa at isipan.

MIND POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon