"naglalaman ang bawat araw,
bawat sulyap kahit sa mga mata makita lang ng mga mata na nagaalab na paghanga at pagmahal,
naglakad lumalakad pero di naglalakad kundi tumatakbo ang oras kung saan tumitigil nangigigil at kumikiliti ang aking puso at aking katawan,
bigyan man ng oras minuto o segundo kahit masugatan masaktan mabigo lahat naman pagdadaanan at tila'y kakayanin pa kakayanin ko pa, balewala man sa pananaw ng iba pananaw niya wala silang alam wala kayong alam,
balewala sa pakiramdam ngunit di mo alam,
hanapin man sa iba ikaw lang ang matapang sa aking mata,
matapang sa akin pananaw,
ngunit di nakikita,
di mo naririnig,
di mo natatanaw,
di mo nakakausap,
di mo nahahawakan,
pagkat di mo lahat alam,
ibigin ka man di mo rin alam, mahalin ka man di mo alam,
kahit wala kang masisi kundi ang nakikita mo lang sa iyong harapan katabi at kahawak kamay,
mahirapan man sa martir wala akong masisi kundi aking sarili aking puso't isipan ikaw ang dahilan bat ikaw pa minsan na nabalewala,
balewalang pagmamahal lang talaga ang meron tayo hanggang tanaw,
hanggang pangarap,
hanggang panaginip,
at hanggang pati sarili mong pagmamahal mababalewala,
hayaan man natin ganun pa din ang balewang pagibig"

BINABASA MO ANG
MIND POEMS
Puisiit's a poems of every life of every single life and in whole every night. mind is all i can see, i can feel and what i input in my own, in our own, this is me inside of my brain that i wanna shout out my whole creation of my poems, inside of electri...