Kyle's POV
Ito ako ngayon sa ere.Oo nasa ere. Di ba kapanipaniwala? Ako nga din di makapaniwala na nandito ako sa ere at nakakalipad. Pero akala nyo nasa maayos akong sitwasyon. Aba'y hindi dahil kanina pa ako binabato ng palasong yari ata sa hangin at kanina ko pa rin iniiwasan at sinasalag ang mga palaso nya.
Teka magpapakilala muna ako. Ako si Kyle Tolentino. Isang hamak pero poging security guard. Sabi nang karamihan pangtamad daw ang trabaho namin. Pero wag ka tatlong beses ng nalagay sa panganib ang buhay ko. Tatlong beses na rin kasi pinagtangkaang nakawan ang bangkong pinagtratrabuhan ko.
Pero kanina may lalaking lumapit sa akin naka allwhite suit sya. At alam mo ang ginawa nagtanong lang naman ng nakakatawang tanong gamit ang seryoso na mukha. Haha laughtrip nga. Alam mo ang tanong nya? kung magkakapangyarihan daw ako ano daw ang gusto ko?
Dahil samabait ako ay sinagot ko na lang sya.
"Hmmm,gusto kong kapangyarihan? yung kapangyarihan na makakaprotekta at maproprotektahan ako," kahit papano pinagisipan ko naman ang sagot ko.
Nagulat pa nga ako ng hawakan nya ako sa braso ko sabay sabing.
"You can have it now," ano daw, di ko nagets yung sinabi nya hanggang sa umalis sya.
Pero nagets ko na ngayon simula ng atakihin ako ng lalaking gumagawa ng palaso na yari sa hangin . Actually kanina pa nalaman ko nang may kapangyarihan na ako ng madiskubre kong nakakalipad ako. At kanina nga ay nakasalubong ko ang epal na lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Nakakalipad ka rin?, pareho tayo?," yun ang mangha kong tanong sa kanya.
Pero bastusan lang talaga. Sinigawan ba naman akong bigla.
"Hoy! di mo ba alam na ako lang dapat ang may kapangyarihan! kaya humanda ka sa akin!," parang tanga lang na sigaw nya sa akin.
" Ha,?" Isang malaking Ha na lang ang nasagot ko. Ano daw sya lang daw dapat ang may kapangyarihan ang lakas naman ng loob nya.
"Hangin maging palaso ka," gustu ko sanang matawa sa sinabi nya pero laking gulat ko ng may nagkaronng hugid palaso sa harap nya, at di lang isa lagpas sampu pa.
Mabilis nyang pinabulusok ang mga palaso papunta sa akin.
At alam ko todas ako kapag tumama sa akinang mga palaso na ginawa nya. Di ko alam ang gagawin ko almkong di ko basta basta maiiwasan ang mga palasong binato nya sa akin. Pero namangha ako sa sumunod na nangyari. Unti-Unting napalibutan ang katawan ko ng diamond hangang sa masakop ang buo kung katawan. Ngayon nagets ko na ang kapangyarihan na binigay nya. Dahil sa sinabi ko ang kapangyarihang makakaprotekta ay binigyan nya ako ng DIAMOND ARMOR.
Nang makalapit ang palaso sa akin at tumama sa armor ko ay parang wala akoing naramdaman.
"Ano ba yun joke! ni di manlang ako nagalusan, aanhin mo yang palaso mo kung di naman ako tinatablan!," Tatawa tawa kong pangaasar sa kalaban ko.
"Aaaahhh!," sigaw nya sa sobrang inis.." kung di ka tinatablan ng maliliit kong palaso ay tanggapin mo tong malaking palaso ko,".
Nagulat ako ng bigla may lumitaw na mga palaso sa harap nya na mas malaki pa sa akin. Bumulusok ito papunta sa akin at dahil nga sa bilis nito ay sunod sunod itong tumama sa akin.
"AAAAAHHHHHHH," sigaw ko ng bumulusok ako pababa sa lupa. Nasaktan ako sa lakas ng impak ganun pa man laking pasasalamat ko sa diamondarmor ko dahil hindi naman ako gaanong nagalusan. Tumayo ako at lumipad pabalik sa kanya.
At sa muli nga ay malalaking palaso na naman ang nilikha nya. Ayaw ko na ulit tamaan ng malalaking palasong iyon kaya naman ang kailangan kong gawin ay iwasan na lang ito.
Ngunit laking gulat ko na lang nang sa ibang direksyon nya pinapunta ang mga palasong ginawa nya. Tiningnan ko ang direksyon ng pinagbatuhan nya nang palaso. Totoo ba tong nakita ko may diwata.. Teka teka tao din to ah,maladiwata nga lang.
"Hala, Tulong!!," Narinig kong sigaw nya.
Di na ako nagdalawang isip at buong bilis ko syang nilapitan at niyakap. At dahil nga may nakasunod napalaso sa likod ko ay tumama ito sa akin gayun paman ay nprotektahan ko sya.
"WAAAAHHHH," sigaw nya ng pabagsak na kami sa lupa. Grabe ang lakas lang nakakabingi.Napapikit nalang ako sa nangyari.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko makatapos ang ilang segundo ng bumagsak kami.At napanganga ako sa nakita ko ang babaeng niligtas ko ay napapalibutan na rin ng diamond armor na gaya nang akin.
Inalalayan ko sya sa pagtayo.
"Ayos ka lang?," Tanong nya sa akin.
"Pareho tayo ng kapangyarihan?," soulmate tayo dugtong ko sa isip ko.
Ngumiti sya. Teka, teka ano ba tong naramdaman ko para atang nalaglag ang puso ko ng ngumiti sya.
"Hehe, hindi kaya magkaiba kaya tayo ng abilidad," parang batang bungisngis nya sa akin.
Teka teka kakapulot ko lang ng puso ko ah nawala nanaman. Ninakaw ata nitong kaharap ko.
"Hey ok ka lang?,"nakita kong winagayway nya ang kamay nya sa harapanng mukha ko at natauhan naman ako sa ginawa nya.
"A.. e... ok lang ako," ngiti kong sagot sa kanya sabay kamot sa ulo ko.
"Teka kung di tayo pareho ng kapangyarihan, anong kapangyarihan mo?," naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nagwave sya ng kamay nya at nagwave na parang fairy. Grabe ang ganda nya nastun ako sa kagandahan nya.
"Ako, ang copying ninja na si kakasha, kaya kong gayahinang abilidad mo,"sabi nito.
"Ha?,"Naguluhan ako sa sagot nya. "Teka diba kakashi yun? dapat me sharinggan ka db?" tanong ko.
Kenda's POV
"Ha?, Teka diba kakashi yun? dapat me sharinggan ka db?" tanong nya.
"Sira anime ako, anime ako, tao ako tangi I mean ang abilidad ko ay manggaya ng abilidad," halakhak ko ang slow naman nito.
"Wag nyo ako ignurahin nandito pa ako!!!," sigaw ng lalaki sa tass namin. Sino pa edi yung lalaking bigla na lang akong inataki, di man lang nagpasabi.
"Dito ka lang, Kaya kong gayahin ang abilidad nya kaya dito ka lang ako na ang haharap sa kanya," ngiting sabi ko sa kausap kong lalaki.
Di ko na hinintay ang sagot nya lumipad na ako palapit kay panget.
"Hangin maging palaso ka!,"nakita kong nagsulputan ang malalaking palaso sa harapan nya.
"hangin maging palaso ka!," sigaw ko din. Pero teka teka, ano ba yan walang lumabas akala ko ba nakakagaya ako ng abilidad.
Narinig akong tumawa si panget at mabilis na pinabulusok ang mga palaso papunta sa akin.
"WAHHHHHHHHHH, Batman help," napapikit na lng ako ng malapit na akong tamaan ng palaso.
END OF CHAPTER 3
(hehe nakatapos naman ng chapter 3 po... sana po basahin nyo) comment din po

BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasyAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.