Kenda's POV
Hay ang hirap talagang maging tambay. Kain, tulog at gala, yan ang pangaraw araw at paulitulit na ginagawa ko. Nakagalitan na nga ako madalas ng nanay. Tatlong buwan na kasi akong tambay. Graduate namanako e. Di lang ng high school, College pa nga e, oo college graduate ako. Mechanical Engineering ako, board passer pa nga e. Tamad lang talaga ako magapply.
Kaso hirap maging tambay, kaya naman isang gabi nagpray ako, hehe oo nagpray ako na sana may pagkaabalahan ako. Aba di ko naman akalain na sasagutin agad ang prayer ko. Ganito yun.
Araw ng sabado nun nagpray ako , gabi nun para deretso na sa pagtulog ko. At araw naman nang linggo nagising ako, malamang magtaka na ako kapag lunes na ako nagising. Pumunta ako sa burol na malapit lang sa bahay namin gamit ang motor namin, mga isang kilometro lang ata ang lapit hehe...
Tumambay ako sa burol magisa lang ako nun, kaya naman nagitla ako ng may nagsalita at kumalabit sa akin.
"Put..... naman e," muntik na madulas ang dila ko nun, ikaw ba naman ang magitla e ewan ko na lang.
"Ok ka lang?," sabi nung lalaki. Aba may gana pang magatanung ang lalaking to alam naman nyang nagitla ako sa ginawa nya.
Pero maiba tayo weirdo yung lalaki ang init kaya sa burol tapos sya nakaamerikana pa at sombrerong pangcowboy, nyah ang baduy kaya.
"Madalas ka ba dito?,"nahinto ako sa sa pagiisip ng magsalita ang lalaki na pinalayawan ko na sa isip ko na si Mr. Mushroom, biglang sumolpot e.
Nilayo ko ang tingin ko sa kanya.
"Oo tuwing linggo present ako dito, ikaw?," balik tanung ko sa kanya.
"Ngayon lang," aba ang tipid pang sumagot ang choosy.
"E, halata ko nga, ngayon lang kita nakita e," sabi ko naman sa kanya.
"San ka ba nanggaling at bigla ka na lang sumulpot?," out of curiosity naitanung ko yun. Syempre diba nakakagulat sya.
Tiningnan ko sya, ngumiti sya sabay turo sa itaas. Aba pinagloloko ata ako nito sa taas daw e tirik na tirik ang araw, ano sya taong araw.
"Ok ka lang?," natatawang tanong ko.
"San ka galing sa araw, weh , baka naman nalaglag ka sa eroplano at...," bigla na akong natawa .... naweweirduhan talaga ako sa katabi ko.
"May itatanong lang ako," napahinto ako sa pagtawa ng magsalita si Mr. Mushroom.
"Go ahead, ano ba yon," ipinatung ko ang baba ko sa tuhod ko para makinig sa itatanong nya.
"What if magkaroon ka ng special ability anong pipiliin mo?," aba aba out of the blue question ata yun ah.
Sabagay wala namang mawawala sa akin kung sasagot ako db?
"Ano bang special ability, yung may lalabas na apoy sa kamay ko, yung makokontrol ko ang kidlat? parang ganun ba?,"paglilinaw ko.
"Parang ganun," ngiting tango ni Mr. Mushroom.
Haha natutuwa naman ako dito kay Mr. Mushroom parang elementary naniniwala pa ata sa mga super power, ang weird talaga nya. Back to my childhood days.
Wait nagpakilala na ba ako? Di pa ata hehe nakalimutan ko napadami na ata ang kwento ko di nyo pa ako kilala.
Ako pala si Kenda. Kenda Leir ang buo kong pangalan. Babae ako malamang halata naman sa pangalan db? hehe. 21 na ako kakagraduate ko lang last year. Anong course sa maniwala kayo sa hindi Mechanical Engeneering ako. Bata pa lang ako meleg na ako mangalikot kahit kababae kong tao. Kaya nga nung college ako, ako lang naman ang nagiisang babae sa klase naming mga mechanical Engeneering. May pagkaboyish ako, sabi ng karamihan pero alam naman nila na babae talaga ako. Anyway ako pasado pala ako sa board last year din... nakakagulat no me utak rin naman kasi ako e hehe. Nong nakaraang 3 buwan may trabaho naman ako kaso nagresign ako, bakit? wala lang tinamad ako tsaka pati ang daming papansin sa company na yun di ako makapagtrabaho ng ayus... Kaya ito ako ngayon, isang dakilang tambay.
Back to topic tayo. Ano daw ang special ability na gusto ko?.Hmm.
Nung Elementary ako madalas kong kasama ang mga pasaway kong pinsan na lalaki, at sa kasamaang palad ako ang madalas nilang mapansin para asarin. Kaya nga nung elementary ako madami akong naisip na gawin sa kanila. Kagaya na lang ng may dalaakong laser sword at hinihiwa ko ang mga katawan nila. Iniimagine ko na kaya kung gumamit ng hangin at pinapalipad ko ang mga pinsan ko. Hehe lahat ata ng special ability gusto kung magkaron nung bata pa ako para lang parusahan ang mga pasaway kong mga pinsan.
"Kahit ano pwede kong isagot?," tanong ko kay Mr. Mushroom.
"Sure," sagot nya.
Hay ano ba naman tanung to out of the blue talaga. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Gusto kong special ability?, gusto ko yung ability na lahat ng ability mamagagaya ko," oha diba nica answer pinagisipan ko yun e.
Wala naman akong narinig na sagot mula kay Mr. Mushroom. Na nosebleed ata sa pang Miss Universe answer ko. Isinubsob ko na lang ulo ko sa binti ko at niyakap ang tuhod ko at ipinikit ang mata ko. Nagbilang ako ng one to one hundred at tsaka ko na lang imumulat ang mata ko at uuwi na. Nakaugalian ko na yun bago ako umuwi pag nasa burol ako.
Nasa bilang 98 na ako ng may humawak sa braso ko.
"Wish granted," haha ano sinasabi nito , wish granted daw ano sya jiny. E jiny ang katabi ko haha joker kaya to. Tinapos ko muna ang pagbibilang ko at iminulat ko ang mata ko at humalagpak sa kakatawa.
Pero ng lingunin ko sya e laking gulat ko na wala na sya. Tumingin ako sa paligid ko at wala na nga sa Mr. Mushroom.
"NYAAHHH, multo!!!!!," nagkaripas ako ng takbo sanakaparada kong motor sa ibaba ng burol at mabilis itong pinatakbo pauwi sa bahay.
At dun nga nagsimula ang lahat ng mga pagkakaabalahan ko.
Ngayon nga e nakakita ako ng dalawang taona nakalutang sa ere na tila ba naglalaban. Tinawag ko ang nanay at itinuro iyon sa kanya..Alammo ang ginawa ng nanay isang batoklang naman na ang sakit sakit.
"Hoy dada tigiltigilan mo na yang panonood mo ng kartuns ha, kababae mong tao kung anu anung walang kwentang palabas ang pinapanood mo. Ayan tuloy mga pumapasok sa isip mo puro din walang kwenta,"hehe ganyan talagaang nanay pagkatapos mamatok e manenermon.
Dahil sa di nakita ng nanay ang nbakikita ko napagpasyahan kong lumabas at baka nganamamalikmata lang ako pero paglabas ko nakita ko pa rin sila.
Gusto kong lumapit sa kanila. At laking gulat ko sumunod na nangyari lumutang ako . OO lumulutang ako at infairness malalapitanko na sila. Naalala ko si Mr. Mushroom. Totoo pala lahat ng sinabi nya.
" Yehey!," sigaw ko at lumipad palapit sa dalawa.
( hehe naman di ko lam kong may magbabasa ba nito... sana naman merun ) end of chapter 1 na po hehe....

BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasiAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.