Kinusot ko ang mata ko , baka kasi namamalikmata lang ako. I never saw a monster in my whole life except in anime.Is it real?
"You dare to fight me fuc**** angels, hinding hindi nyo ako kaya! HAHAHAHA!!!!," , real na real ,real na real sabi ko sa sarili ko ng marinig ko ang boses ng halimaw.
Nakakakilabot ang boses nya bukod sa mukha nya. Mga matang para bang nasobrahan sa drugs dahil pulang pula. Mga ngiping nasobrahan ata sa paghasa. Balat na para bang nasunog sa apoy. Kukong parang taong grasa lang di naggugupit. You found it scary right? . Pwera biro that monster really scared me.
"Who want to test me? You asho** why don't you test me!!!!!!!",his voiced really annoyed me. Tinuro nya ang anghel na nasa harapan namin ngayon.
Napansin kong lumapit si low class angel Archangel sa dalawang masasabi kong high class angel.
Bahagya syang yumuko sa dalawa."Allow me to fight him", tila nakikiusap na sabi nya.
"You traitor Archangel you really want to fight me? I am 3 times stronger than you. You're just asking for your death wish," a scary voice from a scary monster again.
Pero curious talaga ako, English speaking ba sa langit? I never heard this two angels speak tagalog kasi. And the way this monster speak baka English speaking talaga sa langit, kasi pag nagkataon nosebleed.
"Do you think you can handle that devil?", that voice make me feel safe. A voice came from an angel.
"I will try my best, and if you think that I can't please help me", nakayuko paring sabi ni angel Archangel.
"Are you aware that Without holy weapon you cannot defeat the devil right?", salita ulit ng isa.
"Yes but still, I insist after all I am also like him, a falling angel", pagpupumimilit nya.
"You dare to ignore me, YAAHHHHHHHHHHH!", mula sa kamay ng halimaw ay lumikha ito ng isang malaking malaking bolang apoy at ibinato sa amin.
Ngunit bago pa man ito makarating sa amin ay nakalikha kaagad ng tila salamin na kalasag ang anghel.
"Low Class Angel Archangel since you are persistent go and fight him, but we will interfere if we find you lacking while fighting that devil", sabi ng anghel.
"Thank You",Sabi ni angel Archangel at tumayo na para harapin ang halimaw.
Isa sa mga anghel ay lumapit samin . Tinutok nito ang palad nito sa babaeng kasama ko. Bahagyang nagliwang ang palad nito kasabay ng paglaho ng itim na kadena sa babae.
"What Happened?", rinig kong tanong ng babaeng katabi ko.
Inalalayan ko syang makaupo. Tila naguguluhan si Kyle ng mapansin nyang inalalayan ko ang babae.
"Were now friends ", ngiting sabi ko Kyle.
Di na nagtanong si Kyle at itinuon na lamang ang atensyon sa harapan namin.
"The clash between a Devil and a low class angel will occurred", bulong ko sa babae.
Tumingin sya sa harapan tila nagulat sya ng Makita ang halimaw.
Sa pagkakataon namang iyon unti unting tumubo ang sungay ng halimaw sa gitna ng ulo nito.
"Kung iniisip mo na kaya mo ako, then I prove you wrong. WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!", sumigaw ito ng kakilakilabot. At biglang lumakas ang itim na aurang nakapalibot dito.
Pero tila hindi natinag si Angel Archangel. Biglang Malakas na hangin ang pumalibot sa kanya. Hindi ko maaninag kung ano ang nangyayari tila kasi ipo-ipo ito.At sa pagkawala ng ipo-ipo ay namangha ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasyAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.