Kenda's POV
Kanina pa ako nakapikit, ayaw ko makita ang sarili kong tamaan ng mga palasong binato ni panget sa akin.Pero teka wala atang tumatama, niligtas ba ako ni batman?
Minulat ko ang mata ko at nalaman kong may nagligtas nga sa akin, hindi si Batman kundi si Man with Diamond Armor na nagligtas din sa akin kanina. Sinalo nya ang lahat ng palasong binato ni panget.
Pinipilit ni Mr. Diamond na lumapit kay pangit ay lumalayo habang binabato ng palaso si Mr. Diamond.
Teka sa ganito bang sitwasyon ano ba dapat ang ginagawa ko. May naalala ako sa napanood kong anime. May pumasok na idea sa isip ko.
Kung di namin sya kayang labanan ng harapan edi sa lalabanan ko sya mula sa likuran. Hehe nice idea ang galing ko talaga.Nagsimula na akong umikot papunta sa likuran ni panget. Buti na lang di ako napansin ni panget.
Nasabi ko na ba sa inyo na blackbelter ako sa taekwando? kaya nga kahit papano may alam ako sa self defense. Mabilis akong lumipad sa likuran ni panget.
"Pangit tanggapin mo to. YAAAAH, Super Kick!" ubod ng lakas kong sipa sa kanya.
"WAAAAH!" sigaw ni panget ng tamaan sya sa ulo ng super kick ko at bumulusok sya pababa.
"Yes tinamaan ko sya!" pagbubunyi ko.
Pero bago sya tuluyang bumagsak sa lupa ay gumawa sya ng napakaraming palaso at pinabulusok papunta sa akin.
Teka baka pwede ko na gayahin ang kapangyarihan nya.
"Hangin maging palaso ka!" sigaw ko.
At di naman ako nabigo dahil napakaraming palaso din ang sumulpot sa harapan ko.
" Eto ring tanggapin mo!" pinabulusok ko rin papunta sa kanya ang mga palasong nilikha ko.
Sunod sunod na pagsabog ang naganap dahil sa pagsasalubungan ng mga palaso namin. Ngunit may mga ilang palasong lumusot papunta sa akin.
Agad ko namang pinalibutan ang sarili ko ng diamond armor.
At ng mawala ang usok sa paligid dahil na rin sa mga pagsabog ay nagitla ako sa nakita ko. Si panget duguan dahil sa mga palasong nakatusok sa mga katawan nya.
Nagmadali akong lumapit kay panget at pinaglaho ang mga palasong nakatusok sa katawan nya.Di ko alam ang gagawin ko wala na syang malay at natatako ako at baka napatay ko sya. Sumakit ang sikmura ko at nagsuka, di ko napigilan ang sariling umiyak.
Kyle's POV
Namangha ako sa kakayahan ng babae, nagaya nya ang kapangyarihan ng kalaban. Nakita ko rin ang mga palasong tumama sa kalaban namin.
At mayamaya nga ay nakita ko ang babae na lumapit sa sa kalaban namin.Maya mayay nagsuka ito at humagulhol sa pagiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko tinanggal ko ang Diamond Armor ko at lumapit sa kanya at dahil sa naawa ko sa kanya ay niyakap ko sya.
"Ayaw kong pumatay, Di ko sinasadya," hagulhol nya sa balikat ko.
Di ko alam ang gagawin ko kaya hinagod hagod ko na lamang ang likuran nya.
Mayamaya'y pareho kaming napalingon ng magliwanag ang katawan ng kalaban at bigla itong naglaho.
" Nasan ba sya? napatay ko ba sya?," sunod sunod nyang tanong habang luhaang nakatingin sa akin.Nahabag ako sa nakita ko isang mukha ng inosenteng babae na nababakasan ng pagkalito.
"Hindi ko alam," di ko rin siguradong sagot sa kanya.
Lalo syang humagulhol sa isinagot ko sa kanya. Di ko alam kong papano papatahanin ang babaeng umiiyak kaya naman niyakap ko na lamang sya at hinayaang umiyak sa balikat ko.
Mentor's POV
Napakabilis ng pangyayari kaninang umaga lang ay namili kami ng estudyanteng lalaban para sa kahilingan namin at ngayon nga ay nakarinig kami ng balita.
"We want to inform you that Student 15,27,29,51,70,73,84,93,98 and 99 were defeated" narinig kong anusyo ng isang high class angel.
Sampo na agad ang nawala sa mga estudyanteng napili namin. Ayaw naman naming paglabanlabanin ang mga estudyante namin. But rules are rules na di namin kayang baguhin.
But the rules has a condition lahat ng matatalo ay di mamatay they will just forget the ability they had at ganun na din ang mga pangyayaring konektado sa abilidad nila.
Kenda's POV
Hinatid ako ni Mr. Diamond sa bahay at ngako sya sa akin na walang makakaalam sa nangyari. Nahiya na nga ako sa kanya e, napuno na ata ng uhog at luha ang damit nya.
"Salamat nga pala Mr. Diamond " pilit kong ngiti sa kanya.
"Kyle, Kyle ang pangalan ko ," wika nya sabay kamot sa ulo.
"Salamat Kyle," sabi ko sa kanya.
"Wala yun, ako nga dapat magpasalamat sayo," nakangiti nyang sabi sa akin.
Cute naman pala sya his plane pero pasado sya sa akin. Ay hala gumagana na naman ang malandi kong isip, problemado pa nga ako at baka napatay ko yung si panget.
"Hoy Dada san ka na naman nanggaling, pumarini ka na at kumain ka na!," sigaw ng nanay ng makita nya ako sa bakuran.
"Uy Kyle salamat talaga ha, ako nga pala si Kenda," lahad ko ng palad sa kanya.
"pwede ko bang makuha number mo?" tanong nya sabay abot ng kamay sa akin.
"E? hindi pwede ," sabay bawi ko sa palad ko , bigla na lang kasi nagtayuan ang balahibo ko ng maglapat ang kamay namin.
"Bakit magagalit ba bf mo? itetext lang sana kita if may mabalitaan ako tungkol sa nakalaban natin,"sabi nya sabay kamot sa ulo.Nakakainis lang pinaalala nya pa talaga.
"Kaasar ka naman e pinalala mo pa, teka may kuto ka ba?,"curious kong tanong sa kanya.
"Ha? wala ah," sabay kamot sa ulo .
"Kamot ka kasi ng kamot sa ulo mo, nga pala di ko pwedeng ibigay number ko kasi pag binigay ko sayo e di ako naman ang nawalan, hehe tsaka la akong bf N-B-S-B kaya ako,"ngiti ko.
"Ah hehe nagawi ko na kasing kumamot sa ulo ko kapag medyo nahihiya ako,", sabi niya.
Eh nahihiya sya sa akin grabe ha.
"Hoy Dada ano ba gabi na ah di ka pa kumakain!" sigaw ulit ng nanay.
"Opo nay papasok na po!" sagot ko sa nanay sabay harap sa kanya. "Akin na phone mo," hingi ko sa phone nya. Agad naman nyang binigay sa akin at agad ko namang tinype yung number ko sa phone nya.
"Salamat," sagot nya ng maibalik ko yung phone nya.
"Ok sige basta magpakilala ka ha, ge pasok na ako tinatawag na ako ni nanay, tsaka promise mo ha walang ibang makakaalam," sabi ko sa kanya , tumango naman sya .
Nang makapasok na ako sa bahay nagpagdesisyunan kong kalimutan muna ang nangyari at bukas sa burol kung saan ko unang nakita si Mr. Mushroom ay pupunta ako may gusto akong malaman.
(Sorry po ha ngayon ko lang naupdate yung kwento nagkasakit po kasi ako..... marami pong salamat sa pagtitiis nyung magbasa sa kwento ko.... TY po)
BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasyAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.