KYLE'S POV
Ang lamig na ng simoy ng hangin dahil siguro , magpapasko na. Oo nga pala ilang araw na lang pasko na. Hay nakakainis talaga pag ganitong pasko ramdam na ramdam ko ang pagiisa.
Ilang taon na ba akong single? Mga 22 taon mahigit na ata. Haha, sa maniwala kayo sa hindi yung poging mukha kong ito ay di pa nakakaranas magkaroon ng ng girlfriend.
Pero dahil sa ayaw kong madagdagan ulit ng isa pang taon ang pagiging single.
Napagdesisyunan ko na puntahan ang isang babaeng nagnakaw ata ng puso ko.Sya ang dahilan kung bakit bigla akong naniwala sa love at first sight. Sino sya? Sino pa ba kundi yung babaeng nagligtas sa akin, ang babaeng di ata napapagod sa kakatakbo sa isip ko araw-araw simula ng Makita ko sya.Yung babaeng ilang araw ko pa lang di nakikita pero feeling ko taon na. Sino pa edi si Kenda.
Ngunit bago pa man ako makarating sa bahay ng minamahal kong si Kenda ay may nakita akong tila guhit nang pulang liwanag sa di kalayuan. Sunod-sunod ang pagsukpot nito kaya naman naengganyu akong puntahan muna ito..
Nang makalapit na ako nakita ang isang lalaki na tulad ko ring nakalutang sa ere. Habang ang kamy nito ay nakapostorang baril at sa dulo niyon ay lumalabas ang pulang liwanag na nakikita ko kanina.
"Anong klaseng liwanag yan?", di napigilang tanong ko.
Bigla syang humarap at biglang pinalabas ang tila pulang liwanag sa kanyang daliri papunta sa akin. Mabilis ko naman iyong naiwasan
"Sino ka?!", galit na sigaw nya.
"Bat ko sasabihin, inataki mo ako agad, parang nagtatanong lang naman!", inis na wika ko sa kanya.
"So! May kapangyarihan ka rin, isa ka sa mga dapat kong itumba!", sigaw ulit nito.
Nagtataka na talaga ako, bakit lahat na ata ng nakita kong may kapangyarihan ay inaataki ako.
"Tanggapin mo to!", muli ay nagpalabas ulit sya ng pulang liwanag.
Wala na akong oras para iwasan ang ataki nya. Mabilis kong pinalibutan ang sarili ko ng diamond.
"AAAAAAAHHHH!", sigaw ko ng tumagos ang pulang liwanag sa diamond armor ko at tumama sa kaliwang balikat ko. Nabasag ang diamond armor ko kasabay ang pagtulo ng dugo sa kaliwang balikat ko.
"So! Ang kapangyarihan mo pala ay pagamit ng diamond..", ngising demonyong wika nya.
"Anong klaseng kapangyarihan meron ka?", nagtatakang tanong ko habang hinahawakan ang sugat ko sa kaliwang balikat ko.
"WAHAHAHA! Di mo ba alam ang kahinaan ng kapangyarihan mo?", nakakaasar na tawa nya.
"Malamang itatanog ko ba sayo kung alam ko!", nayayamot na sigaw ko.
"Ang tawag sa kapangyarihan ko ay laser, kaya kong palabasin ang laser sa mga daliri ko, kaya naman tanggapin mo to!", muli na naman nya itinutok ang daliri nya sa pwesto ko.
Bago pa man lumabas ang laser sa daliri ko ay mabilis akong lumipad palayo. Habang tinatakpan ng diamond ang sugat ko para patigilan ang pagdugo nito.
Sa di kalayuan may nakita akong kagubatan. Pumasok ako sa loob ng gubat at umupo sa isa sa mga puno nito.
Tumigil na ang pagdugo ng sugat ko. Nagulat talaga ako sa nangyari kanina. Ngayon ko lang din nalaman na ang kahinaan pala ng diamond ko ay laser.
BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasyAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.