Kenda's Mentor's POV
Nakita ko na ang mga kasama kong Mentors mna dumating. Oo mentor ang tawag sa amin yung parang titser,guidance councilor ,basta parang ganun. Basta Mentors ang tawag sa amin.
100 kaming lahat. Lahat kami ay may kanya kanyang kahilingan. Pero bago matupad ang kahilingan na yun kailangan namin ng estudyante na lalaban para sa amin. Mga tao na lalaban sa amin,o sa madaling salita lalaban sila para sa kahilingan namin.
Di kami tao, di rin kami hayop, malamang. Ano kami? we are angels. Low class angels na napili para maging high class angels, pero bago kami maging high class angels kailangan namin ng estudyante na lalaban para sa kahilingan namin. Isang lang sa amin ang matutupad ang kahilingan.
Nagtataka ba kayo? kung bakit may low class angels at high class angels? Oo may dalawang uri ng anghel low class angels at high class angels. Kaming mga low class angels ang mga anghel na binagsak sa lupa. Mga anghel kami na sumunod kay Lucifer at kilala kami bilang mga fallen angels. Isang daan kaming napili para maging high class angels, pero bago kami maging high class angels e kailangan munang matupad ang isang kahilingan ng isa sa amin.
High class angels naman ang tawag sa mga anghel na sumunod kay Gabriel na naging kalaban ni Lucifer.
Nagtataka ba kayo bakit gusto naming high class angels?. Oo kami ay 100 sa 100,000 na mga anghel na binagsak sa lupa na nagsisi na sinunod namin si Lucifer.
At sa loob nga nang mahabang taon na pananatili namin sa lupa ay isang daan kaming napili para maging high class angels.
Oo gusto kong bumalik sa langit at muling paglingkuran sya. My wish? All I want is peace. Peace on this earth. Dahil nga sa mahabang taon na pananatili ko sa lupa ay nasaksihan ko ang mga gyera, gulo at away na nangyayari dito sa lupa dahil na rin sa kagagawan ni Lucifer.
At kanina nga ay binigyan kami ng pagkakataong pumili ng estudyante na lalaban para sa aming kahilingan.
Marami akong nakitang may potensyal na lumaban para sa akin. Pero sa huli napukaw ang interes ko sa isang babaeng nakaupo magisa sa burol.
Hindi nya ako nakita because humans are not allowed to see us, except when we are going to show ourselves to them.
At nang makalapit nga ako sa kanya ay napagpasyahan kong magpakita.
"Miss pwede bang tumabi," kalabit ko sa kanya.
"Put... naman e," napangiti ako sa reaksyon nya. Nanlaki ang mata nya at tinitigan ako ng masama.
At dahil sa kawalan ng masabi ay tinanong ko na lang sya.
"Ok ka lang?," yun ang tanong ko sa kanya kahit ala kong di naman sya ok dahil na nga sa pagkagulat. Di sya sumagot sa halip ay pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko ang sarili ko, nakaamerikana ako with matching cowboy hat sa gitna ng tirik na tirik na araw. Muntik na din akong matawa sa suot ko.
"Madalas ka ba dito?," pagbabasag ko sa katahimikan.
"Oo tuwing linggo present ako dito, ikaw?," sagot nya habang inilalayo ang tingin sa akin.
"Ngayon lang," sagot ko.
"E halata ko nga, ngayon lang kita nakita dito e," ngumingiting sabi nya.
At dahil sa wala na akong masabi ay nanahimik na lang ako.
"San ka nanggaling bat bigla ka na lang sumulpot?," nagulat ako sa tanong nya.
Itinuro ko ang langit bilang kasagutan,habang ngumingiti sa kanya. Iniangat nya ang ulo nya sabay takip sa matang nasilawan ng araw.
"Ok ka lang?," natatawang tanong nya.
Di na lang ako umimik at wala naman akong maisip na isagot sa kanya.
"San ka galing sa araw? Weh.., baka naman nalaglag ka sa eroplano at..."di na nito itinuloy ang sinasabi nya at humalagpak na sa kakatawa. I found her strange may nakakatawa ba.
"May itatanong lang ako?," pagiiba ko ng topic.
"Go ahead ano ba yon," humito naman sya sa pagtawa at ipinatong ang baba nya sa tuhod nya.
"What if magkaroon ka ng special ability anong pipiliin mo?," tanong ko sa kanya.
Kumumot ang noo nya sa tanong ko.
"Ano bang special ability, yung may lalabas na apoy sa kamay ko, yung makokontrol ko ang kidlat? parang ganun ba?," tanong nya.
"Parang ganun," napatango ako sa kanya.
Matagal syang nanahimik na tila may malalim na iniisip.
"Kahit ano pwede kong isagot?," tanong nya sabay lingon sa akin.
"Sure," tipid long sagot.
"Gusto kong ability?, yung ability na lahat nang ability magagaya ko," ngiting sagot nya.
Nagulat ako sa sagot nya. Sa tagal ng pagiisip nya alam kong magandang ability ang naisip nya. Pero di ko inaasahang ganito ang gusto nya. I think I choose the right person.
Nakita kong isinubsob nya ang ulo nya sa binti nya at niyakap ang tuhod nya at tila may ibinubulong. Pinakinggan kong mabuti ang binubulong nya.
"37,38,39....," nagbibilang pala sya.
I need to give her the ability that she like. And from now on she will no longer an ordinary girl.
"98..," hinawakan ko sya sa braso bilang hudyat nang pagbibigay ko ng kapangyarihan sa kanya.
"Wish granted," pagkasabi ko nun ay mabilis na akong lumipad palayo sa kanya.
Di ako nagsisisi sa pinili ko alm kong may mabuti syang puso. I feel it when I hold her arms.And now I am betting my wish to her...
END OF CHAPTER 2
(hehe naman ....... salamat nga pala sa support sa mga friend ko at nagtyaga naman kayung magbasa haha...) comment naman po..
BINABASA MO ANG
ABILITY USER ni Kenda Leir
FantasíaAn adventure of someone who got her ability from her mentor. Helping her mentor to become a high class angel again.