Chapter 6; Melissa Yumul

107 5 0
                                    

"SIYA?!?!"

Pero, bakit? hindi ako makapaniwala. nako chika to! maikwento nga mamaya kaila ciara at clarisse to.

Alam nyo ba kung sino? edi yung palakang si Melissa lang naman.

Pero di narin ako magtataka kung bakit nya nagustuhan yun, parehas naman sila e.

Hahahahahahahahahahaha. Matanong nga to kung bakit.

"Teka, e bakit mo naman nagustuhan yan? of all girls?"

"E kasi ganito yan..........

----------------------------------------------------------------------------

"Okay mom, sige na. Papunta na nga Ako ng mall ngayon. Bibilhin ko na yung sinasabi nyo. Okay okay. I'll do it. Bye."

Actually nasa mall na talaga Ako. Ayoko lang bilhin yung pinabibili nya. Lalaki kaya ako. Alam nyo ba Kung anong pinabibili nya?

Napkin lang naman. Haaaaaay. Nagtataka siguro kayo kung bakit nagpapabili pa sya sakin sa mall gayong may tindahan naman sa bahay namin. Well, naubusan daw kasi ng stock at nagkataong meron sya. Ayaw naman daw nyang sya pa ang lumabas at bumili dahil Baka matagusan lang sya.

San ba dito yung bilihan nun? Kainis.

Nagtitingin lang Ako ng mga gamit ng biglang may bumangga sakin. Dalawa sila. Babae at lalaki.

"Sorry."

Sus. Sorry ka dyan. Pasalamat ka may kasama kang maganda, Kung hindi kanina ko pa binangasan yang mukha mo.

"It's okay."

Tumingin sakin yung babae, ngitian ko naman ito kaso isang irap lang ang natanggap ko. Ang taray nito ah.

"Babe, please wag mo naman akong iwan."

"Melissa, ano ka ba naman! Sabi ko wag mo nakong sundan. Gano ba kahirap intindihin yun?"

"But..."

"No buts. We're over. So stop being a brat and get out of my sight."

Aba, loko tong lalaking to ha.

"Brad, ang babae dapat ginagalang hindi binabastos. E bastos ka pala e!"

"At sino ka ba? Wag ka ngang makialam dito. Pakialamanan mo sarili mong buhay"

Abat bastos to ha!

Nagsuntukan kami nung walang kwentang lalaking to ng biglang dumating yung mga guards.

Pinagsabihan lang kami nung mga guards tapos pinakawalan narin kami. Umalis kagad yung lalaki kaso yung babae nakatayo lang at nakatingin sakin.

"What?" Inis kong tanong sa kanya.

"Kung sakaling iniisip mong magpapasalamat Ako sayo sa ginawa mo, pwes nagkakamali ka. I'm not going to thank you dahil kasalanan mo rin naman at nakialam ka pa."

Wow. Ang kapal din pala ng babaeng to. Ako pa may kasalanan e pinagtanggol ko na nga sya.

Tss. Bwisit. Bibili lang ako ng napkin, tapos nangyari pa to.

Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil Baka pagalitan lang ako ni mama kapag nakita niya yung mukha kong may pasa. Pinapunta ko nalang si manang luding at pinadala yung napkin kay mama.

Pumunta nalang ako ng club at uminom. Kaso naiisip ko lang yung mukha ng babaeng yun. Ang Ganda nya sana, kaso walang utang na loob. Sya na ngang tinulungan sya pang galit.

May nakita akong babaeng naglalasing sa isang tabi. At nagulat ako dahil sya rin yung babae sa mall kanina.

"Hey mukhang broken hearted ka ata ha?"
Pa cool kong tanong sa kanya.

"Ikaw? Ikaw na naman? Stalker ba kita?"

Seriously, Ako stalker? Nakakabilib din tong babaeng to ha.

"No. Sa gwapo kong to stalker? Really?"

"Tss."

"Bakit ka ba naglalasing? Saka umiiyak ka ba? Alam mo, hindi dapat iniiyakan yung mga lalaking ganun. Dapat dun binubugbog."

"Hindi sya ang iniiyakan ko. Saka pwede bang wag kang fc?"

"Ahh ganun? Okay. Aalis nako."

Akmang aalis nako ng pinigilan nya ko.

"Wag. Wag kang umalis. Wag mokong iwan."

Sinamahan ko nalang dahil mukhang lasing na talaga sya.

"Alam mo ba, lahat na lang iniiwan ako. Lagi rin akong pinagpapalit kung kanino. Yung daddy ko, pinagpalit kami ni mommy sa ibang babae. And what's worst? May anak na sya dun sa kabet nyang yun. Kasing edad ko lang sya. Turns out dati pa pala nya kaming niloloko. Ang mommy hindi kinaya kaya ayun, nagpakamatay. Death anniversary nya ngayon. At saka yung lalaki kanina, si Winston. Ex ko. Loko yun pinagpalit din Ako. At alam mo ba kung sinong pinagpalit nya sakin? Yung manang lang naman na girl dun sa school ko. Akala naman niya papatulan sya nun. And what's even the worst? That girl, yung manang ha. Sya rin yung anak ni daddy dun sa babae nya. I heard iniwan din sila ni daddy at pinagpalit sa iba. Buti nga sa kanila. I promise myself, na yung babaeng yun, pahihirapan ko sya nang sa ganun maramdaman din nya yung nararamdaman ko."

Grabe naman pala yung pinagdaanan nito.

Napasandal sya sakin at mukhang nakatulog na ata. Tatanungin ko pa naman sana ang pangalan nya. Pero hindi na pala kailangan, dahil nakasulat sa kwintas nya yung sagot sa dapat na tanong ko.

"Melissa. Wag kang magalala, kasi ako, hinding hindi kita ipagpapalit."

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon