Chapter 22: Forgiveness

77 5 0
                                    

A/N: Melissa on the multimedia

Melissa's POV

"Dad"

"Melissa."

Nagkatinginan kami ni Luke dahil don. Parang tinatanong ng mga mata niya kung aalis na ba siya o hindi. Tumango nalang ako dahil mas maganda na yun. It's family matters kaya hindi siya pwedeng makinig.

Pagkaalis ni Luke ay siyang paglapit sakin ni dad.

"Anak, alam kong party niyo ngayon kaya lang gusto talaga kitang makausap. Nakita ko yung nangyari kanina."

Nangyari kanina?

Ahh yung kay Bettina. Ha! Pagtatanggol niya pa yung anak ng kabet niya!

"What happened awhile ago?"

I acted innocent.

"Anak, wag ka ng magmaang-maangan. Alam kong alam mo na kapatid mo siya, bakit kailangan mong gawin yun?"

"Ayun na nga dad! Alam kong kapatid ko siya kaya kahit anong gawin, nagagalit parin ako sa kanya! She's the reason why our family is broken. She's the reason why you left mom and she's the reason why my life is miserable."

Hindi ko na napigilang maiyak. Wala naman akong ginawang mali. Bakit kailangan mangyari sakin yun. I lost my dad when I was little. I also lost my mom. I'm left with whom? I'm left with my uncle who doesn't even give a fuck about me and only cherishes my money.

That girl. May nanay na nga siya, kapatid and all the boys I like, likes her too. In short mangaagaw siya. Inagaw na nga niya ang daddy ko pati ba naman yung mga lalaki sa buhay ko inagaw niya.

I did love Winston, but that asshole! Pinagpalit ako sa manang na yun.

"You completely got it wrong."

"What do you mean?"

"Okay let me tell you a story a long time ago."

Kahit ayokong makinig ay pinilit ko parin. Gusto kong malinawan.

"I have never loved your mom ever since. We're bestfriends. Pero wala ng hihigit pa dun. Nakilala ko si Bianca, bettina's mom. The first time I saw her, I fell inloved with her. Para sakin siya na yun. Siya na yung babaeng pakakasalan ko at dadalhin sa altar. I woo her until se give in. Naging kami pero iyon ang naging dahilan ng pagiwas sakin ng mommy mo. I didn't know that she has feelings for me. Hindi ko naramdaman yun kaya medyo nagalit din ako sa sarili ko. Ang manhid ko masyado. Ilang beses akong nagsorry sa kanya pero ayaw niyang tanggapin. Inisip ko saglit lang naman yun, I'm sure mapapatawad niya rin ako at makakahanap din siya ng iba. Kaso hindi nangyari yun. Magkaibigan ang parents namin. And before I knew it, they fixed us into a marriage. Tuwang tuwa ang mommy mo nun. Dahil ayokong magpakasal sa kanya, nagtanan kami ni Bianca. May nangyari samin noon pero hindi ko naisip na mabubuntis siya. Nahanap kami ng mga parents namin at pinaghiwalay kami. I was so broken that time kaya mas madali akong nakuha ng mommy mo. I was drugged. Dahil don, may nangyari din samin. At nabuo ka. Dahil nabuntis ko siya kailangan ko siyang panagutan. Nakipagbreak ako kay Bianca kahit ayoko. Hell, dumating pa nga siya sa kasal namin. Matagal din bago kami nagkita ulit. Akala ko nga nawala na ang feelings ko sa kanya. At alam mo, yung pagkikitang yun, dun ko nalaman na may anak pala kami. Bumalik lahat sakin nun. Narealize ko na mahal ko pa pala siya. Nakipag hiwalay ako sa mommy mo at sinabi ko sa kanyang may anak na kami ni Bianca kaso ayaw niya kong palayain. Sa sobrang galit niya nun nasabi niya sakin lahat. Alam na niyang buntis si Bianca kaya ginawa niya lahat para mabuntis ko rin siya. Kinausap niya rin si Bianca nun at sinabing siya ang mahal ko at magkakaanak na kami. Nagalit si Bianca nun kaya hindi na siya nagpakita sakin. Noong nalaman ko yun mas gusto ko na siyang hiwalayan. Nagkabalikan kami ni Bianca kaso hindi rin nagtagal yun. Nagkahiwalay rin kami. At ngayon nga, may iba nakong mahal."

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon