Chapter 13: bestfriend

87 5 0
                                    

Bettina's POV

"Alam ko naman na patatawarin mo ko, ikaw pa! Napakabait mo kasi. Kaya sayo ako e."

Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Ano daw? Sa kanya ako? Shocks kailan pa umepekto sakin ang mga banat niya. Dati naman wala lang to, nandidiri pa nga ako sa kanya kapag bumabanat siya. Anong nangyari ngayon? Nakakainis feeling ko sobrang pula ko na. Chalsmer ano bang ginagawa mo sakin? Bakit ganito ka bilis ang heartbeat ko?

"Bakit parang namumula ka ata? May sakit ka ba?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinawakan niya ang pisngi ko.

Oh jusko! Hindi ko na kaya to! Ang puso ko lalabas na!

Sa ginawa niyang yun parang mas lalo lang yatang nagmula ang pisngi ko.

"Wala ka namang sakit? Bakit namumula ka?"

Please lord, kahit ngayon lang tanggalin niyo muna ang common sense ng lalaking to para hindi niya kong mahuling naapektuhan o kinikilig sa mga sinasabi niya.

"Alam ko na!"

Please lord, wag niyo po akong ipapahiya lalo na sa harap ng lalaking to.

"Namumula ka kasi..."

"Kasi?"

Shit. Yung ngiti niya. Parang nahuli na yata niya ko. O lupa kainin mo nako! Hindi ko kaya ang kahihiyan na ito.

"Kasi mainit! Namumula ka kasi mainit! Hahaha ang galing ko no? Nahulaan ko."

Susko, ewan ko kung matutuwa bako dahil hindi niya nalaman o kung maasar ako dahil napakawalang kwenta ng naisip niya. Pumapalakpalakpak pa siya nyan na parang akala mo nanalo sa lotto. Tss isip bata.

Pagkatapos naming kumain ay dumiresto na kami for the next class. Wala namang masyadong nangyari ngayon except sa pagbabati namin ni chalsmer. Nakakarelieve nga at bati na kami. Nakakamiss din kasi ang kalokohan ng lalaking yun.

Jusko feeling ko naman isang linggo kaming magkaaway, isang araw lang naman yun. Minsan ang parang ang oa ko na. Hahaha

So yun nga, pagkatapos ng klase umuwi narin agad ako. Dahil wala naman akong gagawin sa bahay, naisipan kong magwattpad.

Oh crap! Andami ng updates! Yesss!

Halos isang oras ata ang nagamit ko bago ko matapos lahat ng updates. Pero worth it naman! Ang ganda kasi. Haha ang gwapo talaga ng Van Sy ko.

Pero weird kasi habang binabasa ko yung mga scenes ni Van Sy dun sa story ang naiisip ko si chalsmer. Kainis nga e, kanina ko pa siya naiisip saka yung sinabi niya kanina.

'Kaya sayo ako e.'

Shit. 4words lang pero hindi ko makalimutan.

*beep *beep

Ha? May nagtext sakin? Unregistered number ang nakalagay. Sino kaya to?

"Babe, date tayo bukas. Sunduin kita. Gumising ka ng maaga ha? Loveyou."

Shit. Babe? Si chalsmer lang naman tumatawag sakin niyon ha? Siya kaya to? Saka pano niya nakuha number ko?

Saka love you? Ohmygosh! Mahal na niya ko?

Okay Bettina, assuming ka na naman.

Bago pako kiligin ng bongga, may nabasa pako sa ilalim ng text niya.

"Ps: kinilig ka naman? Joke lang yun. Naniwala ka naman. Hahahahahaha!"

Bwisit! Lakas ng trip nito. Okay na e, kikiligin na sana ako.

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon