Chapter 11: Jelousy

68 6 1
                                    


Bettina's POV

O jusko! Nung nagpaulan ata ng mga blessings si lord ay sinalo kong lahat ngayong araw.

Pano ba naman, tumabi na sakin si Luke, aba eto pa, BREAK NA SILA NI MELISSA! Hahahaha makwento nga mamaya kay chalsmer yun, at masabing umaayon ang tadhana sa mga plano namin.

Pero teka...hindi nga pala niya ko pinapansin. Bigla tuloy akong nalungkot.

What? Nalungkot ako? No way. Masaya ako. Tama masayang masaya ako dahil walang manggugulo at mangiinis sakin ngayong araw. Masosolo ko si Luke! Hahahaha

Tapos na ang break time at balik classroom na ulit kami. Ewan ko ba at parang nasapian ata ako ng masamang espiritu dahil nakatingin Ako kay chalsmer ngayon.

Ang loko, ayun nakasimangot. Bat parang wala siya sa mood? Diba dapat masaya siya dahil kasama niya si Melissa kanina?

At eto pa pala, kanina habang kumakain kami napapansin kong tumitingin tingin siya samin. Para bang may sinusulyapan siya.

At kalat narin pala na break na sina Melissa at Luke sa school. Nagkaroon pa nga ng chismis kanina kasi Ako katabi ko si Luke habang si chalsmer naman katabi si Melissa. Nagkapalit daw ng partners kumbaga.

Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin. Pero ilang saglit lang, tumingin ulit ako sa kanya, at putres nakatingin parin siya sakin at ang sama ng tingin niya! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayy ano ba yan, nababaliw ata ako. Siguro dala lang to ng inis. Inis dahil ang sama ng tingin niya sakin. Oo tama inis nga to.

Nagpatuloy ang klase at ako patuloy ng nawalan ng focus sa pakikinig. Ramdam ko kasing nakatingin parin siya sakin.

Aish. Dapat nakikinig Ako e, mamaya magkaquiz na naman tapos wala akong alam.

Nakalimutan ko pa lang sabihin, 11/40 lang pala ang nakuha ko doon sa quiz kanina. Badtrip dati wala pa akong bababa sa 30 plus na grades tuwing quiz at madalas perfect ako pero ngayon! Waaaah nakakasar.

Kailangan kong magfocus dahil kailangan kong makabawi. Pero ewan ko sa sarili ko at anong nakain ko ngayong araw kasi kahit anong gawin kong focus ay bumabalik at bumabalik din ang mga mata ko kung nasan si chalsmer.

Ewan pero feeling ko para kaming tanga na nagiiwasang tumingin kapag nahuhuli naman ang isa't isa.

At ayun, hindi ko na nga nainitidihan ang tinuturo ng teacher. Badtrip.

Pagkatapos ng klase ay alam niyo na.. Dumirestso ako ng locker pero dapat pala hindi na.

Nakita ko kasi si Melissa at chalsmer dun na masayang naguusap. Kainis! Magsama sila! Ang lalandi nila!

Lumabas nalang ako ng locker at pumuntang canteen. Ikakain ko nalang to.

Pagpakapunta ko ng canteen, nakita ko si Luke.

"Beth, kakain ka rin? Sabay ka na sakin."

Oo! Oo! Tayo na!

Ayy mali. Niyayaya lang pala niya kong sumabay sa kanya.

"Wag na. Okay lang ako."

Pabebe muna syempre. Please pilitin mo pa ko. Konting pilit pa, sabihin mo "I insist."

"Okay. Kung iyon ang gusto mo."

Wala na. Gumuho ang mundo ko. Kasi naman Bettina, may pa arte arte ka pa yan tuloy. Waaaaaaah. Sana pala umoo nalang ako. Andwae.

Tumawa naman siya bigla.

Ha? Bakit kaya siya tumatawa?

"Eto naman, joke lang. Nakasimangot ka agad. Sabay na tayo ha?"

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon