Chapter 2: My annoying neighbor

183 5 0
                                    

I'm so sooooooooorry for the looooooooooooooooong update! Mianhae!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Many days have passed. Masyado akong nalulong sa pagbabasa ng wattpad. Nairecommend ko na nga ito sa mga kaibigan ko. Pati sila naadict na rin.

"Anak, magluto ka na"

Hay. Ang saya naman ng weekend. Linis doon linis dito. Lampaso, luto, hugas. Utos dito, Utos doon.

Seriously, pahinga ba to o torture?

"Ma, nasan pala si nathan?" Oha! Kapatid ko yan! Akalain mo nga naman at may kapatid ako. Naturingan pang cassanova yung bugok na yun. Dapat rebelde tawag dun . Ni hindi nga malimit na umuwi yun. Palagi pang nakikipagbasag-ulo. Pero naging ganon lang naman siya simula nung nawala si papa eh.

"Hoy! Sunog na yang itlog na niluluto mo!"

"Ano ba yan ma! Nanggugulat ka naman ma eh! Pano pag bigla nalang akong atakihin sa puso? Magalala ka pa niyan sakin"

"Magalala sayo? Sus. Magalala Ako sa gagastusin para sa ospital. Ay nako ako na nga magluluto. Pambihira! Itlog nalang sunog pa!"

Sarreh, okay, sarreh. Pero kahit ganyan si mama, alam kong di ako iiwanan niyan.

"Hoy Bettina Santiago! Ilang katol ba ang nasinghot mo at wala ka sa sarili mo?!?" Sigaw ni mama.

"Ha? Ano bang sinasabi mo ma?"

"Nagluto ka pero hindi mo nilagayan ng mantika yang kalan? Abat talagang masusunog yan!"

"Ah, hehe..." Paktay kang bata ka!

"Ano ba naman kasing iniisip mo? Ha? Lovelife ba yan? Naku Bettina sinasabi ko sayo, magaral ka muna. Di mo ba alam na blah blah blah blah" and so on.....

"Ma sige na tama na. Alam ko na po." Sabi ko nlang para tumigil naman siya. Jusko! Sasabog eardrum ko sa kanya eh.

"O sige sige. Bumili ka nalang ng Mantika sa tindahan"

Ano ba yan si mama, palibhasa day off ngayon. Ang galing mamerwisyo.

Hindi naman kami mahirap pero wala kaming katulong. Tinitipid kasi ni mama yung pera na iniwan ni papa bago siya nangibang bahay. Kung tutuusin mayaman naman kami.

Naglalakad lakad pako hanggang sa may bumangga sakin.

"Ano ba naman yan kuya! Di tumitingin sa dinadaanan"

"Ako pa? TSS. For your information, ikaw ang hindi tumitingin sa daanan. Halata namang lutang ka. Nakashabu ka?"

Abay bastos to ah! Nakashabu? No way! Malinis akong tao no!

"Hoy asungot, sad to say hindi ako nagshashabu, Baka ikaw yun! Mukha ka kasing addict!"

"What? Ako mukhang addict? Hey, miss whoever you are, itong mukhang to, addict? JUST WOW. Hindi mo alam kung ilang babae ang nagkakadarapa makuha lang ako. Maswerte kapa nga kinakausap pa kita eh"

"Di wag mo kong kausapin. As if I care."

"Tss. Hoy! San ka pupunta?"

"Sa tindahan!"

"Talaga lang ha? Eh papunta sa bahay namin yan "

"Hoy feeler ka! Di lang naman papunta sa bahay niyo yung way na to!"

"You're heading at my house and I'm sure of it" *smirk*

May pa smirk smirk ka pa dyan, sipain kita eh.

Pag punta ko sa tindahan binati kaagad ako ng tindera nila. Nawala din sa paningin ko yung asungot.

"Hi ate pabili nga po ng mantika"

Umalis naman siya para kuhanin yung mantika. Habang wala pa si ate, nag muni-muni muna Ako. Bago isip kung pano ko mapapakakasalan si VAN SY.

"Eto na ang mantika mo"

Napatingin Ako sa nagsalita at alam kong hindi si ate iyon dahil panlalaki yung narinig ko. Pagtingin ko........

OHMYGALLYWOW! Bat nandito yang asungot na yan?

"Hi". Sabi Nya.

"Ikaw?!?!" Halos hysterical ko ng sigaw. OA na Kung OA! Grabe lang talaga!

"Haha! I told you papunta ka talaga sa bahay namin"

Napatingin ako sa side ng tindahan. Actually dati ko pa talaga napapansin yung bahay na katabi nun. Ang Ganda kasi saka ang laki laki pa. Sabi bahay daw yun ng mga Sy at yung tindahan nato ay para sa katulong nila para naman may iba pa itong mapagkakitaan.

"Oh, ano na? Tutunganga ka nalang dyan? kilos kilos din huy!"

Kaimbyerna naman to!

"Alam mo kuya, gwapo ka sana kaso pumalpak ka pa pagdating sa ugali" sabi ko.

"Sabi ko na nga ba type moko eh"

"Ha? Anong type? Pwede ba kuya, intindihin mo kaya muna yung sinasabi ko bago ka magconclude"

"No need. Alam ko naman na tama ako. At yung sinabi mong masama ang ugali ko, diba nerds like you, like boys like me?"

Aba, di lang pala bastos ang isang to, AXIUMIN(assuming) pa!!

"Alam mo kuya, ewan ko sayo. Akin na nga yang mantika. Oh eto na bayad"

"Wag mo nga akong tawaging kuya, may pangalan Ako"

"Wala akong paki"

"Sus. Pahumble ka pa, if I know.. Haha! I'm chalsmer. CHALSMER SY.

I hate you CHALSMER SY. War at first sight ba to?

---------------/------------------/------------------------/-------------------------/-------------------------/---------------/

Sorry po, eto lang nakayanan! Hope you enjoy! Bukas po yung chapter 3. At sorry rin po sa making spelling. Typo error lang po yun. Yun lang po! Kamsa!

Ps. Iniba ko na po name ko sa watty :)))))

My wattpad boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon